MAY NAGMAMAHAL SAYO

19.1K 386 32
                                    

Yan ang salitang nais kong sabihin sayo,
Gusto kong iparamdam na ikaw ay mahalaga sa buhay ko.
Ngunit ako'y nahihiya hindi ko magawa,
Sapagkat ang isang katulad ko ay nasasaktan pag may kasama kang iba.
Isang araw napansin ko na tila malungkot ka,
Iniisip ko kung bakit nga ba.
Napaisip ako bigla...
At hindi ko inakala na siya pala ang dahilan ng iyong pagluha.
Nasaktan rin ako dahil nakita kong malungkot ang isang katulad mo,
Ang isang katulad ko na nagmamahal sayo,
Nagmamahal sayo ngunit hindi mo makita ang halaga nito,
Halaga na palagi kong sayo'y pinapadama,
Pinapadama ang mga bagay na sa kanya ay hindi mo madama.
Malungkot ka man pero narito parin ako,
Ako na handang pakinggan at alagaan ka,
Ako na hindi magsasawang isipin at pahalagahan ka,
Pahalagahan ka sa abot ng aking makakaya,
At habang akoy nabubuhay pa,
Ipaparamdam ko sayo na sa aki'y importante ka,
Wala mang tayo pero narito ako parin ako sa tabi mo,
Ako ang umiintindi at umuunawa sa mga pinagdadaanan mo.
Wala mang tayo pero nais kong lang sabihin,
Na ako sayoy may pagtingin.
Huwag mo nga lang sanang mamasamain,
Kung ang isang katulad ko'y ikaw parin ang mamahalin,
Sabay bigkas ng mga katagang hindi man tayo pero narito pa ako,
Na nagpapatunay na may nagmamahal sayo.

SPOKEN POETRYWhere stories live. Discover now