TAGPUAN

4.5K 60 3
                                    

Naaalala mo paba nung ako sayo'y mahalaga pa?
Masaya tayong nagkukwentuhan,
Masaya tayong nagaasaran,
Malaya tayong nagmamahalan,
Sa tabing dagat kung saan kita unang natagpuan.
Naaalala mo paba nung tayo'y masaya pa?
Nung wala pa siya kaya ako'y pinagtyatyagaan mopa?
Masaya tayong dalawa,
Nung wala pa siya.
Malaya tayong dalawa,
Nung hindi mo pa sya nakikilala.
Ngunit bakit nung natagpuan mo sya ako sayo'y nabalewala na?
Ano bang meron siya na sa akin ay wala?
Bakit sa isang iglap nagbago bigla?
Na dating ako ang mahal mo ngayon ay sya na.
Marahil may nakita kang bagay na sa akin ay wala,
Kaya siguro unti unti kana sa akin nawawala.
Saan pa kaya ako nagkulang?
Kulang paba ang aking naging kakayanan?
Bakit?
Bakit nagawa mopa akong ipagpalit?

Binabalik balikan ko ang dati nating tagpuan,
Sa tabing dagat na tayo dati'y  nagsumpaan.
Bumuo ng masayang alaalang kay sarap ulit maramdaman,
Ngunit hindi na mauulit muli ang ganito nating samahan,
Sapagkat tuluyan mona ako sinukuan,
Tuluyan mona akong iniwan ng walang paalam.
Hindi mo man lang nagawa akong paliwanagan,
Pero hindi na ako magtataka dahil yun naman ang iyong kagustuhan.
Hahayaan nalang kitang magkaganyan,
Hahayaan kitang limutin ako ng tuluyan.
Sobrang hirap mo nga palang kalimutan,
Lalo na't maraming taon na ang ating pinagsaluhan,
Nagawa mo parin palang humanap ng bago kong kalaban.
Akala ko pa naman makakarating tayo sa kasukdulan,
Yung tipong kasal nalang ang kulang.
Ngunit hindi dahil lahat ito'y humantong sa hiwalayan,
Yun yung napakasakit na salitang aking naabutan.
Nagbabakasali parin na muli mo akong pupuntahan,
Sa dati nating tagpuan,
Baka sakaling doon ulit kita matagpuan,
Ng mabigyan na ng sagot lahat ng katanungan,
Na araw araw gumugulo sa aking isipan.
Kahit labis na akong nasasaktan,
Lilinawin ko lang sayo lahat ng dahilan ng ganitong kaganapan,
Upang magawa na kitang palayain at hayaan,
Hihintayin kita hangga't kinakailangan.
Iniwan mo man ako ng luhaan,
Patuloy parin ako babangon sa ganitong karanasan.
Iniwan mo man ako nang ganon ganon lang,
Umaasa parin na sana hindi na ako ang nagkulang.
Lahat siguro ng pagkakamali ay nasa iyo na,
Huwag sana ang sakripisyo ko'y mabalewala.
Sa pangalawang pagkakataon ay magiging malaya,
Hahayaan ang sarili hangga't hindi pa ako kumakawala,
Sa eksenang ipinaramdam mo sa akin na sobrang nakakahiya.
Palagi ko parin naiisip...
Kung saan nga ba ako nagkamali?
Kaya ikaw ay nawalan ng rason para manatili?
Sobrang higpit ng dinulot mong pighati,
Tila mahihirapan na akong magmahal muli.

Sa huling pagkakataon ng aking paghiling,
Bathala ako sana'y iyong dinggin.
Ang pagasa ay patuloy kong aaninagin,
Upang makapagpatuloy sa bagong landas na tinatahak kona rin.
Paunlakan sana ni Bathala ang aking panalangin,
Na magawa mo akong kausapin.
Kahit pala hanggang sa huling kabanata ng kwento natin,
Atensyon at oras mo pala'y akin paring lilimusin.
Kahit na napakahirap na nito para sa akin,
Kasagutan at liwanag ay akin paring susuyurin,
Nang sa ganon ay hindi mona ako magagawa pang gambalin,
Simula sa oras na makaya na kitang lisanin at patawarin.
Sa tabing dagat na saksi sa ating pagiibigan,
Maging sa pagkakamali't kasinungalingan,
Maghihintay ako kahit walang kasiguraduhan.

SPOKEN POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon