100 SALITA PARA SAYO

2.8K 24 3
                                    

Hindi ko maipapangakong magiging perpekto,
Ngunit sa abot ng makakaya ito'y susubukan ko.
Ibibigay lahat ng para sayo,
Aalayan ng pagmamahal na ninanais mo,
Magsisilbing bayani upang maipagtanggol ang isang katulad mo,
At higit sa lahat...
Gagampanam ang tungkulin bilang kasintahan mo.
Ipinagmamalaki kita sa mundo.
Ako na ang pinakamaswerteng tao,
Dahil natagpuan kona ang magkukulay sa larawang iginuhit ko.
Wala na akong mahihiling pa,
Kundi ang makasama ka,
Kaya sana ito'y pang habang buhay na.
Paninindigan ko ang mga pangakong sinambit sayo,
Pangakong ibibigay ang kasiyahan mo.
Pagtitibayin ko ang samahang ating binuo.
Pangako...
Wala magwawakas hangga't nagmamahalan tayo.

SPOKEN POETRYWhere stories live. Discover now