DI BA HALATA

1.2K 11 0
                                    

Isang ngiti mo palang,
Buong pagkatao ko na ay nalilibang.
Isang tingin mo lang naman,
Ang matinding dahilan ng aking pagkahibang.
Para bang hinihigop ako patungong kalawakan,
Kahit na ako'y nasa iyo lang na harapan.
Ako'y nagiging alipin ng iyong kagandahan,
Hinahamak ang buo kong katauhan,
Kahit na hindi mo naman talaga ako pinakikialaman.
Oo hindi tayo nagpapansinan,
Pero batid ko parin ay kontrolado mo ang aking isipan,
Dahil sinta, ikaw lang ang tangi nitong laman.
Hindi ko agad maipaliwanag ang tunay na nararamdaman,
Sapagkat bigla-bigla nalang akong kinakabahan.
Minsan nga nararamdaman ko ang aking kahinaan,
Dahil habang ako'y abala sa paghahanap ng paraan,
Upang tuluyan ka ng maging kasintahan,
Sa kabilang panig naman ay may nakikipaglaban.
Habang hinahatak kita patungo sa aking kinatatayuan,
Isip at puso mo nama'y pilit sinasakop ng kalaban.
Pilit kang hinihigop ng iyong malapit na kaibigan.
Sana kaibigan nga lang,
Pero paano kung ikaw ay kaniyang ligawan?
Kaawa-awa naman ako na naghihintay lang pala sa kawalan.
Pero kahit gayunpaman,
Patuloy parin kitang susundan.
Patuloy parin kitang hahangaan.
Kahit ako'y nasa malayong bahagi nalang,
Basta maipaparamdam ko parin sayo ang tunay mong kahalagahan.
Hindi man kita makuha ng agad-agaran,
Patuloy parin kitang ipaglalaban at hindi susukuan.
Wala man akong palasyong tinitirahan,
Ituturing parin kita na reyna sa aking tahanan.
Sana nga mapansin mo ang aking kinagawian,
Wala naman akong ibang hinihiling,
Kundi ang ikaw ay mapasa-akin lang.
Alam moba na para kang si batman?
Isang kang bayani na mahigpit kong hinahangaan.
Sinagip mo ako mula sa binggit ng kalungkutan,
Binigyan mo ako ng kahulugan.
Kaya labis kong ipinagpapasalamat ng ika'y aking nasilayan,
Nagmistula kang isang anghel na bumaba mula sa kalangitan,
Na tanging hangarin lang na ako'y mabantayan.
Kaya naman ginawa ko lahat ng maisip kong pamamaraan,
Para masuklian ang naidulot mo sa aking kabutihan.
Palagi parin kitang tinatanawan,
Nagiging pulis na nga ako na parang tumutugis ng kalaban.
Masigurado ko lang na nadarama mo ang kasiyahan,
Kahit makaramdam ako ng kapaguran,
Hindi parin ako titigil mabigay lang ang laruan,
Laruan na magbibigay sayo ng kaligayahan.
Alam mo namang kahit sa una palang,
Yung mga ngiti mo lang naman ang pumapawi sa lungkot na aking nararanasan.
Wala na akong ibang kahilingan,
Basta pagbigyan mo lang ang aking kagustuhan.

Hindi mo pa man ngayon nahahalata,
Ang mga paraan na aking isinasagawa,
Alam kong balang araw ito rin ay iyong makikita.
Dahil sinta...
Di ba halata?
Na matindi na ang pagkaadik ko sayo,
Kaunting-kaunti nalang ay bibigay na ako.
Sana magawa mo akong masalo,
Dahil binibini, sa kahit sinong kaaway di ako magpapatalo.
Sisikapin kong manalo,
Basta para sayo ay susugal ako.
Kung iyong mamarapatin,
Puso mo sana ang nais kong kunin,
Kahit saglit ito sana'y aking maangkin,
Sapat ng premyo ito kung tutuusin.
Maging halata man ang aking pagpapapansin,
Ito'y ipagpapatuloy parin.
Nang sa ganon ay malaman mo rin,
Na may nagiisang tao na handa kang unahin.
At yuon ay ako na paulit-ulit kang susundin,
Ako na walang sawa kang iibigin.

SPOKEN POETRYWhere stories live. Discover now