KASUKDULAN

3K 37 4
                                    

Hindi madaling sambitin ang salitang paalam,
Lalo na kung wala naman talaga sa plano mo ang lumisan.
Ngunit dumarating sa punto na tayo na ay mahihirapan,
Kung kaya't nagdedesisyon tayo na mangiwan.
Pero hindi lahat ng salitang paalam,
Ay isang uri ng pagsuko o hindi na pagpaparamdam,
Bagkos nais lang nila muling makiramdam,
Kung kakayanin nyo ba kapag siya'y nawala na ng tuluyan.

Hindi lahat ng umaalis ay masaya,
Minsan kasi pagod na silang lumuha,
Kaya pinipilit na nilang kumalas o kumawala,
Kahit na mahirap dahil sila'y nasanay na.
Nasanay sa katotohanang lahat ng tao ay magagawang manatili,
Ngunit hindi pala parati ito mangyayari,
Dahil darating sa punto na ika'y magkakamali.
Makakagawa ng pagkakamali.
Manlalamig at makakaramdam ng pighati.
Kaya dahilan nito'y pilit na pag ngiti.

Minsan dumarating sa punto na mahirap talaga magdesisyon,
Lalo na sa sitwasyon ng mga ilang tao ngayon.
Siguro pagod na silang manghingi ng atensyon,
Pagod na silang ipilit na mabuti naman talaga ang kanilang intensyon.

Bakit kaya ganon?
Bakit ilan sa atin ay pinagkakaitan ng pagkakataon?

Marahil ilan sa kanila ay may kasalanang nagawa,
Ngunit paano naman yung iba?
Bakit kailangan nilang magdusa?
Bakit kailangan nilang pagtiisan ang mundong hindi masaya?
Karapat-dapat ba ang paghihirap na ipinataw sa kanila?

Sa mundong ito'y mahirap humanap ng hustisya,
Dahil hindi pantay ang pagtingin ng iba.
Dumarating sa eksenang ikaw ang madadaya,
Pero nasa iyo ang alas kung hahayaan mong malamangan ka.

Sa mundong ito kailangan mong maging matapang,
Dahil naniniwala ako na wala kang ibang kakapitan,
Tanging sarili mo lang ang iyong maaasahan.
Lahat sila ay pansamantala lang nariyan,
Pero kapag nakuha na nila ang kanilang kailangan,
Agad na silang lilisan at di ka na pasasalamatan.
Minsan nga sila pa ang may galit na mararamdaman,
Kahit na sila naman ang may kasalanan.
Kaya sa panahon ngayon kailangan mong maging palaban,
Kailangan mong talunin ang lahat ng umaapak sa iyong karapatan.
Lahat sila kailangan mong bantayan,
Dahil lahat sila ay matinding kalaban.

Minsan mabuti ng tingin ng tao sayo'y masama,
Hindi mo kailangan makulong sa ideyang ika'y mahina.
Dahil walang taong magpapaalam,
Walang tao ang masasaktan,
Kung pantay ang pagtrato sa lipunan.
Walang tao ang lalayo,
Kung sa tingin nila'y mayroon pa silang kalaro.
Hindi tayo makukulong sa ideya na pagkatalo,
Kung susubukan nating lumaban upang manalo.

Kaya naman para sa mga taong mapanghusga,
Para sa mga taong walang magawa kundi mangapak ng iba,
Isa kayong mahinang nilalang,
Mga taong pinipilit maging matapang,
Dahil ayaw nilang sila'y nalalamangan,
Kaya layunin nila'y pabagsakin ang kalaban,
Ngunit sa mahina at maduming paraan.

Hinding hindi kayo matututo kung hindi kayo makikinig sa ibang tao.
Hinding hindi ka mahihirapan,
Kung matututunan mong lumaban.
At higit sa lahat...
Wala sa layunin ng isang tao ang lumisan,
Kung nakakaramdam pa siya ng kasiyahan.

Hindi tayo aabot sa kasukdulan,
Na nagpasya na akong magpaalam,
Hindi sana ganito ang ating kahihinatnan,
Kung nagawa mo lang sana ako panindigan.

SPOKEN POETRYWhere stories live. Discover now