SANA SA PANAHONG PWEDE NA AY PWEDE PA

1K 7 2
                                    

Gusto ko na palagi kang nakikita,
Gusto ko palagi kang nasisilayan ng aking mata,
Gusto ko ang paraan ng pagtitig mo sa akin sinta.
Gusto ko ang mga malalambing mong kilos,
Gusto ko ang matatamis mong haplos.
Gusto ko ang malakas mong pagtawa,
Dahil para sa akin nagsisilbi itong musika.
Gusto ko sakin ka lang sasaya,
Yan ang mga gusto ko aking sinisinta.

Sapat naba na gusto kita?
Sapat na kaya na nais lang kita?
Sapat naba na ikaw sakin ay mahalaga?
Sapat naba na halos ikaw ay laman ng aking pantasya?
Sana nga sapat na.

Kasi kung totoo nga sapat na,
Kung totoo mang gusto na kita,
Kung totoong mahal na kita,
Sana totoo rin na ako sayo'y espesyal na.

Umamin na tayo sa isat isa,
Ngunit bakit ang katagang mahal kita,
Ay para bang kulang pa.
Marahil mayroon pang problema,
Kaya sana agaran itong matapos na.

Bakit kaya hindi pwedeng maging tayong dalawa?
May hinintay ka paba?
May hinihintay ka pa ngang iba?

Nais ko lang sana magtanong sinta.
Baka sakaling makuha kita,
Ako'y patuloy parin aasa.

Paliwanagan mo ako para hindi ako nalilito,
Aminin mo sa akin ang totoo para hindi ako nagkakaganito.
Saktan mo akong kung yun ang iyong gusto,
Pero sana sa sandaling maisip mo na talagang mahal mo ako,
Mga maling plano mo sana'y magbago.
Lahat ng ito sana'y maglaho.

Hindi siguro ako ang nakatakda para sayo,
Hindi siguro ako ang nakapagpapasaya sayo,
Pero sana hayaan mo akong patunayan ang sarili ko sayo.
Babaguhin ang pagtingin mo sa isang katulad ko,
Kasi handa na akong sumugal sayo.
Kaya sana handa kana rin magpakatotoo sa nararamdaman mo.

Kung mahal mo ako sabihin mo.
Kung mahal mo ako ipaglaban mo ako.
Kung mahal mo ako...
Sana linawin mo.

Hinihintay ko lang lahat ng sagot mo,
Hinihintay ko lang lahat ng eksplanasyon mo,
At sana sa oras na marinig ko ito,
Sana maalala mong kahit minsan ay minahal mo ako,
Kahit na masyadong malabo.
Malabo na ako'y pagbigyan mo.

Positibo man o negatibo ang kahahantungan nito,
Wala na akong pakialam basta naging totoo ako sayo.
Hahayaan kita sa kung ano ang plano mo,
Hahayaan kita sa mga ninanais mo,
Pero sana mapansin mo na matagal na akong umaasa sayo.
Sana mapagtanto mong ako nga ang iyong ligaya,
Sana mapansin mo ang pagmamahal na palagi ko sayong pinadadama.

Sana kapag ramdam mona ang saya...
Kapag ramdam kona ulit ang sapat na pwersa,
Baka sakaling may natitira pang tyansa.
Kung mayroon man sana ito'y ating isugal na.
Sana kapag alam mong ako'y nandito pa,
At patuloy ka paring napapasaya,
Baka sakali...
Baka sakaling pwede na.
At sana sa panahong pwede na,
Sana pwede pa.

SPOKEN POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon