PATAWAD, PAALAM

3.7K 42 1
                                    

Sa dinami rami na ng ating napagdaan,
Bakit ngayon mo pa ako iniwan?Mahigit limang taon na ang ating nalagpasan,
Bakit ngayon ka pa nasaktan?
Ilang beses na natin nabanggit ang salitang paalam,
Bakit ngayon mo pa ginawang makatotohanan?
Maraming oras at panahon na ang ating napagsaluhan,
Bakit ngayon ka pa lumisan?
Ilang beses na kitang pinaliwanagan,
Bakit ngayon mo pa sinabing lahat ng ito'y kasinungalingan?
Maraming bagay na ang ating napagplanuhan,
Bakit ngayon mo pa ako hinayaan?
Libo libong pangako na ang ating sinumpaan,
Bakit ngayon mo pa ito unti unting binabawasan?

Hindi ko lubos maisip kung bakit humantong tayo sa salitang hiwalayan,
Ni kahit minsan hindi man lang ito sumagi sa aking isipan.
Sobrang nakakapanibago,
Bakit ngayon pa tayo nagbago?
Hindi natin pareho maintindihan,
Kung bakit parang tayo ang nagkulang.
Ngunit hindi naman ito ang matinding problema,
Kundi ikaw...
Kundi ako...
Kundi tayo.
Bakit hinayaan mong humantong tayo sa ganito?
Bakit hinayaan kong ikaw ay magbago?
Ako ba ang nagkulang?
O ako lang ang labis na nasaktan?
Ikaw ba ang may kagustuhan?
O baka may iba ka na ngang nagugustuhan?
Maaari bang tayo muna ay magkaliwanagan?
Kahit sa kahuli-hulihang pagkakataon nalang?
Maari bang ang mga sinasabi ko muna ay iyong pakinggan?
Bago ka tuluyang lumisan?
Maari ba?
Hindi ko man lang naisip na hanggang sa wakas ba naman,
Ako parin ang manlilimos ng atensyon kahit na ikaw ang nagkulang?
Napakasakit naman aking mahal,
Kulang pa ba ang aking pagmamahal?
Kaya siguro hindi mo nagawang magtagal,
Baka nga may iba ka ng minamahal.
Ni kahit maging pulubi ako o mangyan,
Ako parin ang huling lilimusan mo ng kahalagahan.
Kahit nga yata napapagod si kupido,
Nagpapatuloy parin siya sa kaniyang trabaho,
Para lang mapana ang puso mo.
Parang kahit minsan hindi ko pala ito maituturing na pagaari ko.
Dahil hindi naman talaga ako ang iyong gusto.
Kahit mag benta pa yata ako ng droga,
Sa kanya ka parin mapupunta,
Alam moba ang pinaka masakit pa?
Siya siguro ang pinagbentahan ko ng droga,
Kasi sa tuwing nakikita ka niya,
Sayo lang sya naadik ng sobra,
Para mo siyang ginayuma.
Sana mali ang aking akala.

Kaya hindi narin siguro ako labis na magtataka.
Kahit magtungo pa ako sa ibang ibang panig ng mundo,
Kahit subukan ko pang libutin ang buong globo,
Batid ko hindi ako makakahanap ng koneksyon sayo,
Bakit parang nakakaloko?
Kahit ilang beses ko pa yata pagaralan ang mga libro sa paligid ko,
Kahit hanapin ko ang pangalan ko sa diksyunaryo,
Hinding hindi ko matatagpuan ang halaga ko sayo.
Dahil wala naman akong kahulugan sayo.
Kahit ilang akda pa yata ang aking sulatin,
Wala sa intensyon mo na ako'y pansinin,
Patuloy na babalewalain.
Ang maitatawag ko na lang yata sa sarili ko ay isang alipin,
Ako'y alipin ng pagibig mo.
Handang paulit ulit na ibigin ang isang tulad mo.
Kahit na sobrang nasasaktan na ako,
Siguro kung dati makakatatag pa ako.
Pero tapos na ako.
Tapos na ako sa eksenang ganito.

Lahat ng ito'y bahagi na ng nakaraan,
Mga masasakit na karanasang nagdaan,
Batid ko'y mawawakasan kona ang istoryang aking sinimulan,
Dahil wala narin namang patutunguhan.
Narinig mona ang aking kapaliwanagan,
Hindi mo naman ako pinigilan,
Bagkos ako'y iyong hinayaan.
Kaya naman maaari ka ng lumisan.
Maaari mona ako iwan.
Tulayang sukuan.
At kalimutan.

Hanggang sa muli nating pagkikita,
Ang tayo ay hindi na mauulit pa,
Ito'y ituturing kong misteryo na hindi na dapat mahukay pa.
Patuloy kona itong ibabaon sa lupa ng limot.
Upang lahat ng sakit at puot...
Lahat ng lungkot...
Ay tuluyan ko ng malimot.

Patawad sa aking sarili,
Kung sa rehas ng lungkot ako'y nanatili,
Hahayaan kona dahil hindi na ito mauulit pang muli.
Ito na ang huli.

Paalam dating nagbigay sakin ng ngiti,
Ngunit mula sa salitang pagkakamali.
Paalam pighati.

SPOKEN POETRYWhere stories live. Discover now