PAANO BANG MAG MOVE ON?

1.7K 21 0
                                    

Pinagsisisihan kona yatang nakilala kita,
Dahil hindi na ako natuwa sa pagiwan mo akin sinta.
Hindi ko inakalang sakit lang ang iyong dala,
Sana una palang pala pinigilan na kita.
Sana una palang nagawa ko ng dumistansya.
Ngunit ang lahat ng sana ay huli na,
Dahil kinatatakutan ko'y nangyari na.
Puso ko'y nadungisan mona.
Damdamin ko'y nasaktan mona.
Ito ang matatawag kong ikauna,
Ikaunang pagkakataon na ako'y napagod na.
Marahil hindi kona nagawang magtiis pa,
Kaya siguro ginawa ko ng kumawala.
Ngunit ang dati nating alaala,
Hanggang ngayon ito'y nananatili pa.
Hindi ko alam kung ito'y malilimot ko pa,
Siguro hindi ko malilimutan yung dating saya.
Ayoko sanang kalimutan ka,
Pero ito'y kailangan na.

Tapos na ang pagiyak at pagmamakaawa ko sayo,
Tapos na ang panlilimos ko sa atensyon mo,
Tapos na ang pagpapanggap mo na ako'y mahal mo.
Maaari ka ng lumaya sa kasinungalingang ito.
Hinahayaan na kita mahal ko.

Panibagong kabanata,
Para sa panibagong simula.
Mga layunin ay isasagawa,
Upang alaala ay mawala.
Wala nang matatamis na salita,
Ang magagawa ko pang ipakawala.
Dahil simula sa araw na ito,
Susubukan ko ng baguhin ang sarili ko.
Siguro sisimulan ko ito sa isang katanungan,
Katanungang matagal ko ng pinagiisipan.

Paano nga ba mag move-on?

Wala pa akong sapat na kaalaman,
Upang ganitong katanungan ay masagutan.
Ngunit sa abot ng aking kakayanan,
Ito'y aking pagaaralan,
Baka sakaling magandang kinabukasan,
Ay akin ng makamtan.

Ikaunang hakbang.
Itapon lahat ng bagay na sa iyo'y may kaugnayan,
Limutin ang sayang pinagsaluhan.
Ikalawang hakbang.
Ikaw ay aking iiwasan.
Dahil sa ganitong paraan,
Agaran kitang malilimutan.
Ikatlong hakbang.
Hindi na iisipin pa ang aking pagkukulang,
Dahil hindi naman talaga ako nagkulang.
Marahil hindi ka lang nakuntento kaya nagawa mo akong palitan,
Siguro nga nagsawa kana sa aking katauhan.
Ikaapat na hakbang.
Tagpuan natin ay hindi na pupuntahan,
Mga alaala natin ay hindi na babalikan.
Ikalimang hakbang.
Dito kailangan kong maging matapang,
Dahil makaya ko dapat na gampanan,
Ang ibang bagay na hindi sayo naaapektuhan.
Maging matiisin sana ako kung kinakailangan,
Ng sa ganon hindi na muli ako mahirapan.
Ikaanim na hakbang.
Ito na ang aking kinatatakutan,
Dahil batid ko'y malapit na ako sa hangganan.
Oo nakakaramdam na ako ng kasiyahan at kalayaan,
Ngunit patuloy ko paring hinahanap ang dati nating samahan.
Sana magawa ko itong pigilan,
Sana makaya narin kitang pabayaan.
Ikapitong hakbang.
Ito yung bago sa aking kaalaman,
Sapagkat dito kita magagawang palitan,
Na kung saan hahanapin ko ang aking maaasahan,
Maasahan na magsusuplay sa aking labi ng kasiyahan.
Hindi na ako makapaghintay na siya'y matagpuan,
Panahon na para siya'y aking masilayan.
Ikawalong hakbang.
Dapat ang itinakda nating kaarawan,
Kabuwanan...
Ay maging ordinaryong araw na lamang.
Hindi na dapat kita iiyakan,
Sana magawa na kitang burahin sa aking isipan.
Ikasiyam.
Panahon na ng pagpapaalam,
Sa mga alaala maging sayo na dati kong kasintahan.
Dahil sa katuwirang hindi mo ako nagawang panindigan,
Kaya mabuti pa alisin na natin ang mali nating nararamdaman.
Tapos na ang pagtyatyaga sa nakaraan,
Panahon na para sakit ay bawasan.
Ikasampung hakbang.
Ito ang pinakamahirap na bahagi kung paano kita kakaligtaan,
Lalo na kung nasanay ako na hindi ka naman nalilimutan.
Nasanay akong magpahayag sayo ng kabaitan,
Kaya heto ako ngayon hindi parin makahakbang.
Ngunit may biglang kumatakot sa aking isipan,
May isang bagay nga pala akong nalampasan.
Yung ay ang bigyan ka ng kapatawaran,
At hindi ko pa sigurado kung magagawa kong pagbigyan ang iyong kasalanan.
Pero para sa aking pinagdaanan,
Hindi kona siguro tanggap kung ako na naman ang mahihirapan,
Kaya ang pagpapatawad na ay aking inaaksyunan,
Upang tuluyan na tayong makalaya sa mapait nating ugnayan.

Minsan kitang minahal kaya nagawa kitang patawarin,
Minsan ka ng naging akin kaya nagawa kitang palayain.
Salamat sa matinding aralin,
Sa bawat sakit na pinaranas mo sa akin,
Ito ang dahilan kaya ngayon ako'y matatag narin.

Sa wakas nagawa na kitang hayaan,
Kaya ngayon labis na saya ang aking nararamdaman.

Nakalaya narin ako.
Nakalaya na ako sayo.
Salamat may dumating na bago,
Sya na ang iingatan at pahahalagahan ko.

Siya na ang magiging pang habang buhay ko.

SPOKEN POETRYOn viuen les histories. Descobreix ara