IKAW AT AKO PERO WALANG TAYO

2.4K 31 3
                                    

Maraming salita ang hindi ko pa nalalaman,
Katulad ng ating ugnayan,
Hindi ko pa alam kung ito'y may patutunguhan.
Marami akong kakaibang nararanasan,
Kabilang na rito ang nadarama ko sa kasalukuyan.
Hindi ko parin maintindihan,
Kung ano ang tawag sa ating pagkakaibigan.

Siguro nagiging asyumera lang ako,
Pero hindi ko maitatago dahil babae ako.
Babae ako at alam ko ang ibig sabihin nito,
Ngunit hindi pa gaano kalinaw dahil may ibang nagpapagulo nito.

Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng labis mong pagkalinga,
Para saan nga ba ang mabubulaklak mong salita?
Ito ba ay para maakit lang ang madla?
O baka may iba na itong kahulugan?
Yun ang hindi ko pa nahahanap ang kalinawan,
Dahil sa tuwing ika'y nilalapitan,
Sa tuwing ika'y tinititigan,
May kung ano ka sigurong nararamdaman,
Kaya nagagawa mo akong iwasan.
Hindi ako mapakali sa tuwing umaakto ka ng ganyan,
Dahil kapag humihingi naman ako ng kapaliwanagan,
Hindi mo naman nasasagot ang aking katanungan,
Tapos papakitaan mo lang ako ng misteryoso mong kagwapuhan.

Ayokong nagbibigay ng malisya sa galaw mo,
Pero parang higit na sa pagiging magkaibigan ang ipinararamdam mo.
May mga pagkakataon pa ngang napapadalas ang pag-goodnight mo,
Sa mga patago mong paghawak sa kamay ko,
Sa dahan-dahan mong pagsilip sa tuwing nakatalikod ako,
Sa tingin ko bulag nalang ang hindi makakapansin nito.
Pero hindi pa ako bulag para balewalain ito,
Ayokong mabaliw kakaisip sayo at sa aksyon mo,
Kaya sinisimulan ko ng linawin sayo.
Dahil ginoo...
Unti unti na akong nahuhulog sayo,
Kaunti nalang babagsak na ako.
Kaya maaari akong matalo,
Kung hahayaan lang kita nakawin ang aking puso.
Pero maaari ko naman itong ibigay sayo,
Pero hindi pa sa ngayon kasi naguguluhan pa ako.

Pilit mong tinatago ang sarili mong pagkatao,
Kahit na unti-unti ko ng napapansin ito,
Ako parin ay hindi kikibo.
Aantayin ko ang pag-amin mo.

Malapit na sana tayo sa dulo ng kaligayahan,
Kung wala nga lang sana akong nalaman.
Hindi pala sa akin lang at sayo may namamagitan,
Bakit sinta, napakasakit naman.
Malalaman ko nalang na may iba ka pa palang katawagan,
May iba ka pa palang pinaglalaruan.
Hindi ko alam kung ano ang aking mararamdaman,
Dahil alam kong sa una palang wala na akong karapatan.
Wala akong karapatan kaya hindi dapat ako makialam.
Ngunit kung may anong ideya ang pumasok sa aking isipan,
At duon ko napagtanto ang tunay mong katauhan.
Parang pagkakamali lang pala ang mga alaala na ating pinagipunan,
Dahil parang sayo ito'y laro-laro lang.
Alam mo ba kung gaano kasakit yan?
Malamang hindi dahil wala ka sa aking katayuan.

Panahon na siguro para ayusin ko ang sarili ko.
Panahon na siguro para kalimutan ko ang lahat-lahat sayo.

Sa tagpuan natin ay hindi na magtutungo,
Ang mga gamit na galing sayo ay itatago,
Mga larawan ay sisilabin kasama ng pagkatao mo,
Dahil dating sinisinta nasaktan mo ng lubos ang pagkatao ko.

Pinaniwala mo ako sa mga paraan mo,
Patuloy mong binilog ang utak ko,
Hinayaan mong masira ang aking mundo.
At ngayon magisa nalang ako,
Ako'y kumakawala na sa tayo.
Ay mali...
Kundi sa salitang minsan ay may nabuong ikaw at ako,
Pero hindi pala kailanman naging tayo.
Kaya wala akong karapatan na masaktan ng ganito.
Mga alaala natin ay nabuo lang sa mundong mapagloko,
Nagpasya na akong wasakin ito,
Dahil sa ideya ko lang pala nabuo ang salitang tayo.
Dahil sa totoong kaganapan...
Sa totoong mundo...
Ikaw lamang at ako...
Walang TAYO.

SPOKEN POETRYWhere stories live. Discover now