MASAYA NA AKO SA PAGIGING AKO

1.7K 16 0
                                    

Mabait naman ako makitungo,
Pero nakadepende yon sa iyong pagtrato.
Hindi naman ako masamang tao,
Hindi naman kita aawayin kung tama ang ginagawa mo.
Isa pa hindi naman ako perpekto,
Madalas nagkakamali rin ako,
Pero kaya kong ayusin at itama agad lahat ito,
Upang hindi na lumala at malutas na ang gulo.
Makakaya naman kitang sabayan sa trip mo,
Pero hayaan mo muna ako bilang ako.
Kadalasan kasi nagpapanggap ako sa harap ng ibang tao,
Kaya ngayon gusto ko naman magpakatotoo.
Gusto ko yun simulan sayo.
Nararamdaman ko kasi sayo ang gaan ng pakikitungo,
Siguro nga magkakasundo tayo.
Kung nais mong magtago ng sikreto,
Narito lang ako upang maging  katuwang mo.
Hindi mo mararanasang madehado,
Sapagkat ako ang tutulong sayo.

Naihanda kona ang sarili ko sa ganito,
Panahon na para magpakatotoo ako.
Kasama ka sa misyon na ito,
Naibigay kona ang buong kong tiwala sayo,
Kaya sana naman ingatan mo ito.
Alam kong hindi ako mabibigo,
Alam kong magiging maayos ang samahang ating binuo.
Sana nga makaya ko.
Sana makaya kong humarap sa libo libong tao,
Nang hindi ako natatakot sa panghuhusga na maaari kong matamo.

Siguro magiging mahirap ito,
Pero sana huwag kang umalis sa tabi ko.
Natulungan na kita sa iyong gusto,
Kaya sana naman pagbigyan mo ang nais ko.
Sa abot ng aking makakaya ako'y tutulong sayo,
Basta hayaan mo lang akong manatili bilang ako.
Huwag mo sana akong paghahanapan mula sa mga pagkukulang ko,
Dahil ito ang matinding kahinaan na nagpapabagsak sa aking pagkatao.
Alam kong hindi mo ako mabibigo,
Basta magpakatatag tayo at hindi susuko.

Mananatili akong totoo sayo,
Tutulungan ka mula sa misyon mo,
Basta isa lang ang ninanais ko...
Basta ika'y mangako...
Hayaan mo akong maging ako,
Lalo na sa harap ng maraming tao.
Suportahan mo ako yun ang nais ko,
Upang mapatunayan ko ang aking sariling pagkatao.
Mahirap man makamit lahat ng ito,
Dahil tayo'y nabubuhay sa mapanghusgang mundo...
Kakayanin ko parin ang pagsubok na ganito.
Masaya na ako kung ako'y mananalo.
Mas sasaya ako kung mapapatunayan ko sa inyo na katanggap tanggap ako.
Na maaari din ako sa inyo na makihalubilo,
Dahil ito ang kaligayahan ko...
Dahil masaya na ako sa pagiging ako,
Basta't mapatunay ko lang sa inyo na kahit papaano ay nakaya ko.

SPOKEN POETRYOnde as histórias ganham vida. Descobre agora