HINDI KANA NAGPARAMDAM

2.1K 20 0
                                    

Wala akong matibay na ebidensya,
Na maaaring magpatunay kung ikaw nga sya.
Marahil hindi pa ako gaano naniniwala,
Pero handa na ako makisama.
Salamat dumating ka,
Kasi kung wala ka...
Ako na naman ay magisa.
Para sa kanila...
Wala na naman akong kwenta,
Wala na naman akong halaga.
Ngunit mag mula ng makapiling kita,
Naramdaman ko muli yung laya.
Nakaramdam ulit ako ng saya.
Sana nga pang matagalan na.
Pero hindi pala,
Ako lamang ay umasa.
Nagbakasakali rin na mananatili ka,
Na matagal pa kitang makakasama,
Ngunit hindi na...
Dahil pansamantala lang na dumating ka.
Tapos mali din ang aking pagkakakilala,
Akala ko kasi ikaw sya,
Pero mali pala ako ng hula.
Dahil ikaw lamang ang kakambal nya,
Bakit parang ang gaan ng loob ko sayo sinta?

Buti nalang hindi mo katulad ang iyong kuya,
Mapanlinglang at palagi akong binabalewala.
Minsan nga pinipilit ko nalang ang sarili ko sa kanya,
Para lang hindi kami magkaroon ng distansya.
Salamat nga pala dumating ka,
Pero maaari ka ng lumisan hinahayaan na kita.
Ikinagagalak kong makilala ka,
Hanggang sa muli nating pagkikita.
Nga pala...
Nais ko sanang bilinan ka,
Upang maipahatid ang mensahe ko sa iyong kuya.
Nawa ito'y makarating sa kanya,
Umaasa akong darating siya.

Ilang linggo na ang lumilipas,
Ni' kahit anino mo hindi pa lumalabas.
Maghihintay parin ako hanggang sa wakas,
Upang natatanging pagasa ay hindi kumupas.
Kahit gabihin na ako sa paghihintay,
Titiisin ko ang inip makamit lang ang aking pakay,
Kung hahayaan mo lang sana ako magsalaysay,
Pangakong ihahayag sayo lahat ng tunay.

Hindi ko magawang sumuko,
Dahil ayoko ng natatalo.
Ngunit bakit sa ganitong aksyon ako'y dehado?
Para akong naghihintay ng hindi sigurado.

Wala na ba akong pwedeng maranasan?
Bakit paghihintay nalang ang aking nilalaanan?

Hindi ko inakala na aasa na naman ako,
Alam mo bang pagod na ako?
Hindi ko naman nakakamtan ang aking gusto.
Marahil ganon talaga,
Walang pagasa na makuha kita.

Dati...
Siya ang madalas kong nakakasama,
Siya lamang ang nagpapangiti sa akin ng sobra.
Madalas niyang akong paglaanan ng panahon,
Hindi namin nasasayang ang pagkakataon.
Ngunit dati nalang yuon,
Dahil wala na sya ngayon.
Kung maaari ko lang sana ibalik ang noon.

Habang malayo ka ako'y nasasaktan.
Habang tumatagal lalo na akong nahihirapan.
Siya...
Siya ang dahilan kung bakit ako nagiisa,
Kung bakit puro sakit nalang ang aking nadarama.
Siya ang dahilan kung bakit parati ako balisa,
Ngayon sabihin nyo sa akin kung
paano ako magsisimula?
Kung ang itinuturing kong mundo ay bigla nalang nawala.

Hindi ko nalang alam kung ako'y aasa pa,
Marahil nakakapagod na.
Alam moba yung pakiramdam na hindi mo makontrol yung sarili mo?
Yung ayaw mo ng umasa,
Pero patuloy ka paring naghihintay.

Siguro nga nakatakda lang ako para sayo,
Kaya lilibutin ko ang mundo,
Matagpuan lang kita sinta ko.

Kapag dumating yung araw na hindi na kita makatagpo,
Baka duon na ako sumuko.
Tatanggapin kona ang aking pagkatalo,
Lalo na kung wala na naman sa plano mo ang balikan ako.
Kahit mahirap...
Tatanggapin ko iyon ng maluwag sa kalooban ko.

SPOKEN POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon