INGATAN MO SYA

1.9K 16 1
                                    

Ikaw na ang may hawak ng dati kong mundo,
Kitang-kita ko na masaya na sya sayo.

Araw-araw akong tila nagluluksa,
Magmula ng siya'y mawala.
Kada oras tumutulo ang aking mga luha,
Sa tuwing naiisip kong minsan ko siyang binalewala.
Bawat segundo ay pinagsisisihan ko ang aking nagawa,
Ako ang may dahilan kung bakit sa relasyon namin siya'y kumawala.
Hindi ko naman sya matanong kung bakit sya lumaya,
Dahil alam kong katwiran nya ay nawalan na ako ng gana.
Nanghihinayang ako sa mga panahon na kami dati'y nagsasama,
Batid ko kasi ay sinayang ko lang ang oras nya.
Oo ang pagmamahal niya ay aking naaksaya,
Sa pilit kong pagpaparamdam na wala syang halaga,
Sa pilit kong pagdiin sa kanya sa salitang walang kwenta.
Para akong sirang plaka,
Na nagpupumilit parin sa bagay na nasira na.
Para akong mga napaos na letra,
Na pilit sumisigaw kahit boses ay pagaw na.
Siguro nga ako ang maitururing na wasak na pyesa,
Na pilit isinisiksik ang sarili ko sa kanya.
Kahit wala na talaga.
Kahit ang totoo ako'y inawan na nya.
Ngayon palang unti-unting tumatatak ang bawat salita,
Na ibinato nya sa akin bago sya mawala.
Ngayon pa lang akong nanghihinayang sa mga alaala,
Mga alaalang pilit naming ginawa ng magkasama,
Panghihinayang ay ngayon ko palang nadarama.
Alam kong kasalanan ko yun sa dating kong sininta,
Ngunit hindi maalis ang kaunting tyansa,
Kaunting tyansa na pinanghahawakan kong baka pwede pa...
Baka mahahabol pa kita.
Baka maa-angkin muli kita.
Ngunit ako'y huli na pala...
Dahil saksi ang malilinaw kong mata,
Sapat na ito upang matanaw ka.
Tanaw kona ang iyong ligaya,
Bakas na sa iyong labi ang saya,
Ngunit hindi na ako ang dahilan ng iyong mga tawa.
Hindi na ako ang iyong nakakasama,
Kundi sya, ang bago na sa iyo'y naghahatid na tuwa.
Hindi kona rin mapigilang maluha,
Dahil sa katotohanang hawak ka na ng iba,
Wala ng silbi ang ipinaglalaban kong prinsesa,
Sapagka't ginoo, siya'y hawak mona.
Wala ng mas sasakit pa sa pambabalewala na aking naisagawa.
Wala ng mas titindi pa sa kasalanang umukit na sa damdamin nya,
Na sa tuwing ako'y makikita o matatanaw niya,
Tanging lungkot at pighati nalang ang kanyang maaalala.
Alam kong sa sarili ko na ako pala yung wala kwenta,
Ako yun hindi sya.
Hinayaang mahal ko sa aking palad ay kumawala.
Kung sana una palang na naitatak kong sa isip ko'y mahal ko sya,
Siguro ngayon ako parin ang may hawak sa kanya.
Siguro ngayon hindi mo pa sya nakukuha.
Kaya ginoo maaari bang ituring mo siyang reyna,
Pasayahin mo sya ng sobra,
Gawin mo ang mga pagkukulang ko nung kami pa.
Alam kong mapupunan mo ito at hihigit pa,
Dahil batid ko naguumapaw ang pagmamahal mo sa kanya.
Hindi mo siya sasaktan at mababalewala,
Kaya ngayon tuluyan ko na siyang pinauubaya.
Alam kong sayo sya tuluyang liligaya,
Kaya ginoo, maaari bang ingatan mo sya?
Ipakita mong siya ang iyong mundo,
Masakit mang hayaan sya pero ito'y kasalanan ko.
Basta pakiusap ko lang na huwag mo syang sasaktan,
Sana palagi mo syang mahalin at alagaan.
Hanggang dito nalang siguro ang aking karapatan...
Paalam.

SPOKEN POETRYWhere stories live. Discover now