PANSAMANTALA

1.7K 19 0
                                    

Hindi kita kayang mawala,
Dahil magtatagal pa tayo, yun ang aking akala.
Aking sinta...
Bakit hindi ka naman nagpaalala?
Na ako pala'y maaring lisanin mona.
Dahil dumating na sya,
Ang tunay na sa iyo'y nagpapasaya.
Para akong pinagsakluban ng langit at lupa,
Dahil bakas sa iyong mukha,
Halata sa kinang ng iyong mga mata,
Na labis na saya ang iyong nadarama,
Ito ay dahil sa pagbalik nya.

Hindi ko maiwasang masaktan,
Kahit alam ko ng magkakaganyan,
Na darating sa punto na hindi mona ako kailangan.
Alam mo bang matagal kona itong napaghandaan?
Pero hindi siguro kinaya ng aking kakayanan,
Kaya ngayon labis akong nahihirapan.
Hindi ko alam ang dahilan,
Kung bakit patuloy parin akong nasasaktan.
Siguro inakala ko na ako sayo'y may kahalagahan,
Siguro umasa akong siya na ay aking napalitan,
Ngunit hindi dahil may tamis parin ang inyong pagtitinginan.

Naalala ko pa nung araw na umalis ka,
Sabi mo ayaw mona sa kanya.
Inihabilin at hinayaan munang sa akin sya sumaya,
Pero hindi pala totoo na nakalimot ka.
Siguro ginamit mo lang itong dahilan,
Para tuluyan ka ng hayaan.
Pero paano kaya ang aking kalagayan?
Mayroon bang umiintindi sa tuwing ako'y nahihirapan?
Sa tuwing ako'y umiiyak mayroon bang nagpapatahan?
Kaya ako labis na naapektuhan,
Hindi ko kasi matandaan kung saan ako nagkulang,
Na naging dahilan para hindi mona ako ingatan.
Bawat gusto mo ay lagi kong sinusuplayan,
Sinasabayan ka sa tuwing may napapagtripan,
Iniintindi ka sa iyong kaugalian,
Sa tuwing may problema ika'y laging dinadamayan,
Sinasamahan pa nga kita sa lomian,
Para lang mapawi lahat ng iyong kalungkutan.

Pero siguro hindi kinaya ng aking pwersa,
Kaya ngayon hindi kona magawang lumaban pa.
Dahil sinta...
Wala naman talaga akong karapatang ika'y ipaglaban,
Dahil kahit hindi mo sabihin ng derektahan,
Alam kong ikaw lang ay napipilitan.
Alam kong ako'y iyo lang pinagtyagaan,
Dahil wala ka ng mapupuntahan.

Ang sakit lang na kaya mo ako sinamahan,
Yun ay dahil wala ka ng mapagpipilian.

Pero sinta, okay lang.
Nais ko lang naman bitawan,
Ang aking tunay na nararamdaman,
Bago kita tuluyang hayaan,
Sa kanya na katuwang mo sa salitang pagmamahalan.
Hindi ko naman pinagsisisihan,
Na kahit minsan ikaw ay aking pinagsilbihan,
Ngunit ang sakit lang ng dahilan,
Kung kaya nagawa mo akong pagtiisan.
Habang buhay ko itong pagiisipan,
Kung may mali man akong napagpasyahan,
Baka sakaling maitama ko pa ito sa kasalukuyan.
Pero ngayon...
Ipapaubaya na kita,
Kahit hindi ka naman naging aking sinta.
Siguro dumating lang ako para tulungan ka,
Siguro nagkakilala lang tayo para bumuo ng alaala,
Alaala na ngayon ay nagsisilbing aral na.

Maaari mo na syang puntahan...
Maari mo na syang balikan.
Huwag kang magalala ito na ang huling beses na ika'y aking iiyakan,
Dahil sa susunod na araw baka magawa na kita ngitian.
Iintayin ko lang ang taong maghahatid sa akin ng tunay na kasiyahan,
Bago kita muling pasalamatan.
Siguro nga inihatid mo lang ako sa dapat kong puntahan,
Para nadin direksyon mo ay aking maiwasan.

Solido yung saya,
Nung ika'y dati kong kasama.
Siguro ang pinakamasakit nalang na bahagi ng ating pagsasama,
Yun ay ang ideyang hindi na ito mauulit pa.

Salamat sa halaga,
Na minsan mo sa akin pinadama,
Salamat parin kahit minsan nagawa kong lumigaya,
Salamat sa aral na napulot ko sayo nung minahal na kita.

Masaya akong minsan kang nakasama,
Salamat sa pansamantalang ligaya.
Salamat sa panandaliang pagsasama.

SPOKEN POETRYWhere stories live. Discover now