KUNG SANA NUNG UNA PALANG NAKUNTENTO KANA

2.6K 32 1
                                    

Dapat hindi mona pinaramdam na mahalaga ako sayo,
Kung sa huli iiwan morin naman ako.
Dapat una palang hinayaan mo ng malayo ako sayo,
Siguro ngayon hindi na tayo nahihirapan ng ganito.

Sana kung hahanap ka ng iba,
Nagpaalam ka muna sa akin sinta.
Siguro kung nagsabi ka,
Baka inireto ko pa yung magaganda kong kasama.
Handa naman sana akong hayaan ka,
Dahil nangako ako sayo na pasasayahin kita.
Kakayanin ko nga sanang ipaubaya ka sa iba,
Ngunit hindi pa sana sa ganitong petsa,
Dahil pagkalungkot ay ayoko pang madama.
Dahil hindi ko pa kayang kagalitan ka.
Ganito ba talaga ako kahina?
Para lang magmakaawa na bumalik ka.
Ngunit dati lang yon sinta ko,
Tapos na akong magpakalunod sa iyak ng dahil sayo.
Sapat na ang isang balde ng luha upang isaboy ko sa mukha mo,
Para magising ka lang sa katotohanang sinayang mo ako.
Naging maayos pa naman ang aking pakikitungo,
Tapos hahantong lang pala sa eksenang ako'y maloloko,
Bakit parang ang sakit nito?
Siguro nga hindi naging sapat ang atensyong ginugol ko sayo,
Kaya nagawa mo akong ipagpalit sa tropa ko.
Hindi ka man lang humanap ng malayo layo,
Dun pa sa kakilala ko at malapit sa aking pwesto.
Kaya naman panahon na para maging matapang ako,
Panahon na para gumanti naman ako.
Ipaparamdam ko sa inyo ang aking paghihigati.
Ang matamis kong pagbawi.
Hindi ko kayo titigilan,
Hangga't hindi nyo pa nararanasan,
Hangga't hindi nyo pa nararamdaman,
Ang pait na dinanas ko noong nakaraan.
Ibibigay ko ang inyong kagustuhan,
Pero hindi ko maipapangako na ang gagawin ko'y puro lang kabutihan.

Marahil lahat ng ginawa nyo,
Ay matindi sa akin ang epekto,
Kung kaya't babawi ako,
Para makita nyo na hindi na ako apektado.
Tanging kagaspangan ng ugali ang ipakikita,
Lahat ng galit ay magsisilbi kong panangga,
Upang mithiin ko ay makuha.

Siguro kung inisip mo ang kalagayan ko saglit,
Kung naisipan mo na hindi na ako ipagpalit,
Baka sakaling nabawasan ang aking galit.
Baka ngayon nagagawa ko pa ngumiti sayo kahit masakit.

Hindi kita pinagbawalan na lumingon sa iba,
Hindi kita pinigilan na magandahan sa kanya,
Dahil alam kong hindi ko maibibigay sayo lahat ng saya,
Pero...
Inaamin ko na ginawa ko ang lahat,
Nagbakasakali rin ako na ito'y sasapat,
Ngunit hindi humanap ka pa nga ng apat.

Kung dati palang nagawa mo akong labis na ingatan...
Labis na pahalagahan...
Baka hindi ko nagawang lumisan,
Baka ibinigay ko pa sayo ang kapatawaran.
Kapatawaran na iyong kailangan.
Baka sakaling naging maayos pa ang lahat,
At naiparamdam ko ang ligayang nararapat.

Sana ngayon nagsisisi kana,
Kasi kung hindi...
Baka nga hindi tayo para sa isa't isa.

Kaya sana kung dati palang,
Sana kung una palang...
Kung sana una palang nakuntento kana,
Baka hanggang ngayon tayo paring dalawa.

Marahil dumating ka lang upang ako'y matuto.
Dumating ka lang upang patibayin ako.

SPOKEN POETRYWhere stories live. Discover now