Prologue

280K 9.3K 3.5K
                                    

Prologue

Malakas na ulan. Nakalimutan ang phone sa bahay. Ginabi ng uwi. Walang masakyan na jeep. Hindi ko alam kung ano ang mayroon sa araw ngayon at bakit parang nakatali sa akin ang kamalasan. Inaantok pa ako dahil maaga akong nagising kanina.

Bahagya akong umatras dahil natatalsikan na ako ng tubig. Medyo hindi pa maayos ang bubong ng waiting shed na ito dahil may butas. Natulala na lang ako sa mga sasakyan na dumadaan. Wala man lang tumitigil na jeep sa harap ko dahil puno na lahat.

"That's life, Maddy," I mumbled to myself. "Kung dinala mo lang sana ang phone mo para magpasundo ka sa family driver niyo."

Napailing ako. Wala nga pala kaming sasakyan, driver pa kaya?

I let out a heavy sigh as I started to sing, "Rain, rain, go away. Come again another day---" I was interrupted by a loud thud coming from the dark sky above. "Okay. I won't sing again, calm down..."

Naghintay ako nang ilan pang minuto, pumara sa mga jeep na dumadaan pero walang huminto. Nang bahagyang tumila ang ulan ay napagpasyahan ko nang maglakad. Hindi naman gaanong malayo ang bahay. 20 minutes walk from here, my school, I guess? Malayo pa rin.

Nangatog ang tuhod ko nang umihip ang malamig na hangin. Naglalakad ako sa pavement at paminsan-minsan ay nililingon ang sasakyan sa likod dahil baka may jeep na masasakyan. Hindi ko malimit na gawin ito dahil mura lang naman ang pamasahe sa jeep at isang sakayan lang 'yon pero dahil wala akong choice, here I am.

Natigilan ako nang may dumaan na sasakyan. Natalsikan ako ng tubig na may kasama pang putik. Natulala na lang ako sa sasakyan na humaharurot palayo. Pinasadahan ko ng tingin ang madumi kong puting uniform, lalabahan ko ito agad pagdating sa bahay para 'di na matuyo ang dumi.

"Hindi naman siguro sinadya nung driver," pangungumbinsi ko sa sarili.

Nagpatuloy ako sa paglalakbay. Kumaliwa sa isang kanto, kumanan, kumaliwa na naman. Dumaan ako sa isang bakanteng lote. Mas binilisan ko ang paglalakad ko roon dahil madilim at may balibalitang sadako na humihila sa mga dumadaan.

I started to mumble a prayer mentally when someone grabbed me. Tinakpan niya ang bibig ko, hindi naman niya kailangang gawin 'yon dahil hindi ako nakasigaw sa sobrang gulat. Hinila niya ako sa madilim na bahagi ng bakanteng lote.

Binitawan niya rin ako. Hindi ko siya makita pero dinig na dinig ko ang mabigat niyang hiningi. Parang tumakbo ito nang malayo para maging ganito kahingal. Alam ko rin na malapit lang siya sa akin.

"I am not here to harm you." Isang malalim na boses, galing sa isang lalaki.

Nanatili akong nakatayo sa kadiliman, hindi gumagalaw. Hindi ko siya maaninag dahil sa sobrang dilim.

"T-Tell me you are not sadako?" I started to panic. "Panglalaki ang boses mo. You can't be sadako or else you will ruin my life. Sadako is a woman and of course, her voice is for a woman too."

I heard him chuckle. "Bakit parang mas takot ka pang malaman na pwedeng lalaki ang sadako kaysa sa makakita ka talaga nito?"

"You are not sadako," I said.

"No, don't worry. I am not Sadako... But I am here to steal something from you."

Napaisip ako. I only have 20 pesos left in my pocket, I forgot to bring my phone, I don't have any jewelry or something worth risking his life for. There's only one freaking precious thing I think I have right now.

"My virginity?" That suddenly came out of nowhere.

Oh, come on, Mad. How could you ask that to a stranger without sounding so scared and worried as hell?

I cleared my throat. "No. Don't, please..."

I blinked my eyes twice when he laughed loudly. Mas nakakatawa na naakit pa ako sa boses niya sa gitna ng banta sa akin. This is insane!

"No. You are not my type. Low class. I am just going to kiss you..."

"I am not your type, you just said it! Why are you asking for a damn kiss now?!" Now, I sounded like a girl who just got rejected.

"I'm running out of time. Just one damn kiss, please? It's dark in here and I can't see your face. Don't worry, I'll just pretend it is Megan Fox I am kissing."

I should be offended, right?

I gulped hard. "Okay."

He's just going to kiss me... It's better than to lose my virginity or worse to hear that from a sadako, right?

"Are you ready?" he asked.

I nodded my head as if he could see me. Lumipas ang ilang segundo na walang nangyayari. Kumunot ang noo ko pero hindi nagtanong. Nang mabagot ay napadaing na ako.

"Come on and kiss me now!"

"You sure?" He hemmed.

Tumawa ako. "If you are a gay being forced to do this for the sake of some dare, come on, girl. Let's do this. Gabi na baka mapagalitan ako ni Papa."

I blinked thrice when I felt a press on my lips. Did he already kissed me?

Napatingin ako sa bagay na umilaw sa kanya. It was his wrist watch, flashing a neon green light and a 'congratulations' word on it. Namatay din ang ilaw do'n makalipas ang ilang segundo.

"Thanks!" He said.

Narinig ko na ang paglakad niya palayo. Nang makalabas na siya sa madilim na bahagi ng lote ay nakita ko rin siya dahil sa liwanag ng lamp post, nakatalikod ito na naglalakad. He was wearing a blue jacket and a cap on his head. Sumakay ito sa nakaparadang sasakyan at umalis na.

Tulalang naglakad ako pauwi. Nasa harapan na ako ng gate namin nang may napagtanto. Yung kotse niya... Siya 'yon! Siya ang dahilan kung bakit maputik ngayon ang damit ko!

Napabuntong-hininga na lang ako.

Bubuksan ko na sana ang gate namin nang hindi ito gumalaw. Nakakandado na pala ito. Ginagawa lang ito ni Papa tuwing matutulog na kami o kung galit siya dahil gabi na at wala pa ako sa bahay. Ilang beses na ring nangyari ito kaya nagdadala na ako ng susi.

Kinapa ko ang leeg ko... Kumunot ang noo ko nang hindi ko nakapa ang ID ko kung nasaan ang susi. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong wala na ito sa leeg ko. Halos ibuhos ko na ang laman ng bag ko pero hindi ko makita.

Napaisip ako bago madiin na napapikit. That mysterious kiss-stealer gay! Sigurado akong siya ang kumuha no'n.

Nanlumo ako dahil hindi ako makakapasok sa school bukas kapag wala 'yon.

***

KiB: Binago ko. Huwag na hanapin ang wala. Salamat!

Every GameWhere stories live. Discover now