Chapter 16

115K 6.2K 2K
                                    

Chapter 16: Stay with me

Everything had gone haywire. But instead of plastering a woebegone face, I shrugged it off. Wala naman na akong magagawa. Kahit na sobrang bilis ng mga pangyayari at masyadong nakakapanakit, wala akong ibang pagpipilian kung hindi ang magpatuloy.

I only have almost a month before I graduate. I can finally have a fresh start. Dati ko pa pinag-iisipan kung lilipat ba ako ng school kapag nagkolehiyo o dito na lang din. Pero dahil sa mga nangyari ay alam kong mas makakabuti na magpakalayo muna ako. Hindi na rin ako mag-aalala kay Kael, lumalaki na siya. Someday, we will also take different path.

Umaga, pagkapasok ko sa kusina ay si Papa lang ang dinatnan ko. Umupo ako nang hindi nagtatanong tungkol kay Kael. Baka mas nauna lang ako ngayon sa kanya sa pag-aayos ng sarili.

"Nauna na," ani Papa nang mapansin na nakatingin ako sa upuan ni Kael. "Nagmamadali kanina dahil may group project daw sila. Nakakapanibago ba?" Natatawa pang tanong ni Papa.

Kumurap-kurap ako bago napagtantong hindi na ako nahintay ng kapatid ko. Ito ang unang pagkakataon na hindi kami sabay pumasok sa school. Tama... Nakakapanibago ang lahat.

Kumain na lang ako. Nawalan tuloy ako ng gana. Ganito ba ang nararamdaman niya nung wala ako? Nakakalungkot nga ang pagbabago sa mga nakasanayan natin.

"Ano'ng plano mo sa graduation?" Pagbukas ni Papa sa usapin na 'yon. "Malapit na rin para mapaghandaan na. Gusto mo ba rito sa bahay o may gusto kang ibang lugar?"

Isang lugar lang ang pumasok sa isipan ko. "Sa tabi ni Mama..."

Ngumiti si Papa bago tumango.

"Iyon din ang iniisip ko," sabi ni Papa. "Gusto kong mapasyalan natin siya dahil baka maging madalang na lang tayo sa pagpasyal sa puntod niya."

Natigilan ako sa sinabi ni Papa. Pinanuod ko siyang uminom sa tasa ng kape habang nakatingin sa akin. Ngumiti ito habang naiiling nang mapansin na naguguluhan ako.

"Dati ko pa pinaplanong lumipat ng bahay," pag-uumpisa nito. "Sa malayo. Para makapag-umpisang muli. Hanggang andito tayo ay bumabalik ang lahat ng sakit. We need a new environment."

Malungkot na ngumiti ako. Pabor ako na medyo hindi. Pabor ako dahil iyon din ang gusto ko. Magpakalayo para sa muling pag-uumpisa. Pero medyo nanghihinayang rin ako. Dito na kami lumaki at nagkamuwang, nakapanghihinayang na magiging alaala na lang ang lahat.

"Ibebenta ko ang bahay para kahit papaano ay makatulong sa paglipat natin," saad pa ni Papa. "Nasabi ko na ito kanina kay Mikael. Gusto rin niya. Ang sabi niya ay changing is part of growing kaya okay lang." Mahinang tumawa si Papa.

Nakangiti lang ako. It scares me how things easily change.

"Pero kung ayaw mo, hindi ko naman ipipilit ang gusto ko," maagap na sabi ni Papa nang mapansin na hindi ako sumagot. "I just want to know your thoughts about this."

Tumayo ako at lumapit sa kanya. Yumakap ako nang mahigpit sa kanyang likod. Hinaplos naman niya ang kamay kong nakahawak sa kanya.

Huminga ako nang malalim.

"I'm ready to start again, Pa," I whispered. "Let's do it."

Mag-isa akong pumunta sa school. Kinakabahan man ay hindi ako nag-atubiling pumasok agad sa classroom. Napansin ko agad si Ericka, nakatutok ito sa kanyang binabasang libro. Hindi ko rin napigilang tingnan si Rafael, nakayuko ito sa kanyang desk.

It suddenly felt like the first time I stepped my feet in this school. Walang kakilala, naninibago sa kapaligiran.

Maybe Rocky was right. I am bound to lose this friendship.

Every GameWhere stories live. Discover now