Chapter 25

101K 5.4K 1.7K
                                    

Chapter 25: Remember

Nakanguso ako habang hirap na hirap sa pag-alalay kay Rocky palabas ng ospital. Nakaakbay siya sa akin at nasa akin ang lahat ng bigat niya. Gusto ko siyang batukan dahil paika-ika pa itong naglalakad na parang napilayan.

"Hindi naman tayo nabangga pero parang daig mo pa ang nabangga, ah?" puna ko sa kanya.

"Masakit nga paa ko. Hindi ako makalakad nang walang umaalalay," pagrarason na naman nito. "May sakit pa ako. Gusto mo ba akong paglakaring mag-isa tapos masasaktan na naman ako?"

Napaismid na lang ako. Akala naman niya maniniwala ako sa rason niya. He is just taking advantage of his condition. Alam niyang hindi ko siya kayang sungitan o awayin ngayon.

"Oh, sige." Bigla itong humiwalay sa pagkakaakbay sa akin. "Huwag mo na akong alalayan," nagtatampong sabi pa nito.

Huminto ako sa paglalakad at pinanuod siyang maglakad. Mas umarte ito ngayon dahil para siyang lasing maglakad na parang matutumba kahit na anong segundo. Dumadaing pa ito habang naglalakad.

"Ang sakit," dinig kong sabi niya.

Ang arte!

Humalukipkip ako habang pinapanuod siya. Dahan-dahan pa ito na parang batang nag-aaral pa lang maglakad.

"Okay lang naman, Rocky. Baka kasi nahihirapan na si Maddy," bulong nito at sinigurado niyang maririnig ko 'yon.

Napatakbo ako nang matutumba na ito. Mabilis na umalalay ako sa kanya at umakbay naman siya sa akin. Muntik pa kaming matumbang dalawa dahil sa biglaan niyang pagdiin sa akin.

"Mamamatay na ata ako," bulong niya.

Peke akong tumawa. "Huwag kang overacting, Rocky."

"Ang bad mo po."

"Heh." I rolled my eyes. "Stop trying hard to be cute, dude."

He chuckled. "I didn't even try. Why, baby? Am I cute?"

Hindi na lang ako kumibo pa.

Nakahinga ako nang maluwag nang maipasok ko siya sa driver's seat. Umayos ako ng tayo at nag-inat ng katawan. Parang ako ata ang mababalian ng buto dahil sa ginagawa niya.

"Why here?" He suddenly asked. "Am I not supposed to be beside the driver's seat?"

"And I'll drive?" Nagtaas ako ng kilay.

He shrugged his shoulders. "Yeah. I mean... your baby is still sick and weak."

Padabog kong isinara ang pinto bago lumipat sa kabila. Kumunot ang noo ko dahil nasa tabi na ng driver's seat si Rocky. Prenteng nakasandal sa upuan, nakatingala at nakatitig sa bubong ng sasakyan.

"Bakit andyan ka?" malamig kong tanong.

"May sakit ako, I can't drive," he reasoned out. He looked at me again using those faked-innocent eyes. "Oh, come on, Mads. Ayaw mo naman na maaksidente tayo 'di ba?"

"I just started to drive! Mas maaaksidente tayo kapag ako ang nagmaneho! Baka imbes na sa bahay tayo makauwi ay sa sementeryo na tayo humantong. And I don't have a driver's license!"

Tumitig lang ito nang ilang segundo sa akin bago mahinang tumango. Bumuntong-hininga ito bago walang-gana na lumipat sa driver's seat. Hindi na ito umimik matapos no'n at hindi na rin niya ako nilingon pa.

Habang nagbibyahe kami ay napansin ko ang kamay ni Rocky na maluwag ang kapit sa manibela. He was driving lazily. Mayamaya't rin ang mahina niyang daing na parang sinusuntok siya ng pagmamaneho.

Every GameWhere stories live. Discover now