Chapter 27

92.6K 5.1K 1.2K
                                    

Chapter 27: Failed

I gulped all my fear as I stared at the tremendous house. With all the lights around, darkness didn't totally fade. It made sense why Rocky chose to live in a condominium rather than be trapped in this house. It looked fancy, yes, but it was not built for a single person. I would do the same if I were him.

"Mads. It's okay if you don't want to play tonight," Rocky said for the nth time. "Kung gusto mo ay babalik na lang tayo bukas nang umaga para maliwanag. I can't push you on something you fear."

"We have classes tomorrow," Kael interrupted. "We can't help you."

Bumuntong-hininga ako saka umiling. "Let's do it tonight."

Sinabayan ni Rocky ang tingin ko. Wala rin itong nagawa kung hindi ang tumango. Humarap din ito sa malaking bahay na parang tinatanaw kung hanggang saan ito, na parang hindi rin kilala ang pinanggalingan.

I stared at him. I couldn't help but to feel proud.

"Let's have a tour first?" tanong ni Rocky.

Mabilis na tumakbo si Kael pahawak sa kamay ni Rocky. "Please?" He agreed, thrilled.

"Sure," I agreed, too.

Napasinghap ako nang hawakan ni Rocky ang kamay ko. Pero mabilis din na naputol 'yon nang pumagitna sa amin si Kael at hinawakan ang magkabila naming mga kamay.

"Gitna dapat ako, baka may kumuha sa akin," ani Kael. "This really feels like a haunted mansion. Just like the game I once played, ghosts are probably hovering around."

Maglalakad na sana ako nang pigilan ako ni Rocky. Umupo ito sa harapan ni Kael at may ibinulong. Nakita ko ang panlalaki sa mga mata ng kapatid ko bago sunud-sunod na tumango.

"I'd love that!" he exclaimed.

Nilagay ni Rocky si Kael sa kanyang balikat at nang makatayo sila ay hinawakan ni Rocky ang aking kamay. Hindi ko sana ibibigay 'yon pero mabilis niyang nahuli. Mahigpit ang kapit niya sa akin.

"Let's go!" excited na sabi ni Kael.

"Ayos ka lang ba talaga?" pabulong na tanong sa akin ni Rocky.

I don't know. I'm fine. Wala akong ibang nararamdaman sa katawan ko. I'm also eager to play tonight. But... I don't feel like moving. Maging ako ay naguguluhan sa sarili ko.

"Mads..."

"I'm good." I forced a feeble smile. "Let's go?"

Hinaplos ni Rocky ang kamay ko bago tumango. Sabay-sabay naming tinahak ang loob ng malaking bahay. Nakabukas lahat ng ilaw kaya kitang-kita ang buong paligid. Sa pag-apak namin sa loob ay ang pagsaboy ng alikabok sa aming mga paa. Bahagyang nasira ang katahimikan sa yapak ng aming mga paa.

Napatingin ako sa marmol na sahig na binabalot ng alikabok. May mga bote na nakakalat. May mga basag na vase. Sa gitna ay may malaking piano na pinamugaran na ng agiw ng mga gagamba. Sa likod no'n ay may malaking paikid na hagdan papunta sa itaas. There were paintings in the wall.

Binitawan ko ang kamay ni Rocky at naglakad sa isang painting. Tumingala ako para pagmasdan ang malaking portrait. It was a portrait of a happy couple. Sa material na gamit pa lang ay malalaman mong hindi ito ginamitan ng mga mamahalin na gamit. Nothing is elegant on the portrait. Simple things, priceless moment.

Is that really it? The best things in life happen in the simplest way?

"The guy looks like you," Kael said.

Hinawi ko ang alikabok sa mukha ng mga nasa portrait. Kael is right, the guy looks exactly like Rocky. Maging ang babae.

"Scary unless I came from them." Rocky chuckled.

Every GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon