Chapter 4

155K 6.7K 1.7K
                                    

Chapter 4: Text

Nang makauwi ay agad na pinapasok ni Daddy si Mikael sa kanyang kwarto para magpalit ng damit, habang kami ay nanatili sa sala ng bahay. Walang nagsasalita sa pagitan namin pero alam kong kahit na anong segundo ay maaari na siyang sumabog.

Napatingin ako sa kamay kong magkasalikop, nanginginig ang mga ito. Hindi ko inakalang matatakot ako nang ganito sa kanya. Hindi niya ako kailanman napagbuhatan ng kamay pero hindi na ako sigurado sa mga sandaling ito.

He's furious as hell. Naiintindihan ko naman. Hindi na naman ako sumunod sa bilin niya at isinama ko pa si Mikael sa kapabayaan ko.

"Hindi ko na alam, Mad..." pag-uumpisa nito sa mababang boses.

Napatingin ako sa kanya. He was teary eyed while looking at me, I could see the pain and worried in his eyes. And... I was damn mad at myself too, for making him feel like this.

"I'm sorry..." No, I only said that mentally. Parang tinakasan ako uli ng mga salita sa mga sandaling ito.

"I still remember the day before your mother died. Nakiusap ako sa kanya na huwag na munang pumasok sa trabaho kasi masama ang pakiramdam ko. I don't know, maybe all I wanted that day was to be with her. But... She insisted. She kissed me... And that was the last time I felt her."

Nakatingin lang ako kay Papa. Hindi ito ang unang pagkakataon na naikwento niya sa akin ang pangyayaring 'yon, pero parang laging bago. Parang laging bago ang sakit na nararamdaman niya. Hindi ko alam pero natatakot ako... Natatakot akong habambuhay na ang nararamdaman niyang ito.

Huminga nang malalim si Papa, tila bumalik ang mga luha sa kanyang mata. Ang malungkot niyang mukha ay napalitan ng galit.

"Who's that guy?" he asked.

"A friend." Iyon ang unang pumasok sa isipan ko.

"Ayokong makita ka pang nakikipagkita sa kanya," utos nito. "Tignan mo ang nangyari ngayon. Masyado na kayong late na nakauwi, kasama pa ang kapatid mo. That kind of friend won't do anything good to you."

"Do you think this kind of arrangement will do anything good to me?"

Shit. Hindi ko napigilan ang sarili ko.

Mas lalong sumama ang timpla ng mukha ni Papa. "Ayoko ang tono ng pananalita mo, Maddy. Remember that I am just worried---"

"Na magaya ako kay Mama?" putol ko na naman sa kanya. "Hanggang kailan ba, Pa? Hanggang kailan ka mangangamba?"

"Hindi mo naiintindihan ang nararamdaman ko," madiin niyang sabi. "Nawala ang Mommy mo. I can't afford to lose---"

"A-Ako ba pa?" May bumara sa lalamunan ko, hapdi. "Naiintindihan mo ba ang nararamdaman ko?"

Bahagyang bumali ang kanyang leeg. "Ano ba ang mas gusto mo, Mad? Na wala na lang akong pakialam sa 'yo? Na hayaan kang umuwi kahit na anong oras mo gustuhin? Na pasamahin kahit sa na sinong gusto mo? Iyon ba?"

Nakangiting umiling ako. "Normal life, Dad," I whispered. "I want to have a normal life, na hindi iniisip ang mga masasamang bagay. Ikaw ba, pa? Ayaw mo?"

"I don't understand, Mad. What's normal to you?"

"Like what we were used to when mom was still here." Pumatak na ang luha sa aking mga mata.

"Your mom was a lesson-learned to us---"

"No, dad. It was an accident, something humans, like us, can't predict. It was a lesson-learned and not something to be afraid of, not something we should avoid every single time, not something..." I bit my bottom lip. "that will deprive us happiness."

Every GameWhere stories live. Discover now