Chapter 2

156K 7K 1.5K
                                    

Chapter 2: Lies

Kinabukasan, nakasakay pa lang ako sa jeep ay nag-iisip na ako ng dahilan kay Kuya Guard para papasukin niya ako. Kahit papaano ay kilala naman na niya ako pero walang kila-kilala pagdating sa kanya. Dahil sa pagiging istrikto niyang bantay ay tumagal siya nang ganito sa trabaho.

Napabuga ako ng hangin. Mukhang hindi ako makakapasok ngayong araw.

"Bayad po." Inabot sa akin ng ale ang barya at inabot ko naman 'yon sa kasunod ko.

Napatingin ako kay Mikael, tutok ito sa kanyang cell phone. Sinilip ko ang pinagkakaabahalan niya, anime na naman. Papunta sa school ay anime, pag-vacant ay anime, pagdating sa bahay ay anime hanggang sa pagtulog.

He paused the video to look at me. Napatingin ito sa leeg ko.

"Where's your ID?"

"Nawala ko eh." Ngumiwi ako. "Pero huwag mong sasabihin kay Papa, ah? Baka kung ano na naman ang isipin niya."

"Bakit mo naman nawala?" taka pang tanong nito. "Kahapon ba?"

I nodded my head. "Nawala ko habang pauwi."

"Hindi mo naman hinuhubad 'yon, ah?" His eyes were curious. "Hinuhubad mo lang pagdating sa bahay. Do you think I will buy this reason? And the mud in your uniform yesterday, you are not that clumsy, Mad."

I get it, I can't fool him. I can see the doubt in those eyes.

I let out a heavy sigh. Sasagot pa lang sana ako nang matanaw na ang gate ng school namin. Marami rin kaming bumaba roon dahil halos lahat ng sakay ng jeep ay mga estudyante gaya namin. Pagkababa ay may ibang tumambay sa gilid ng gate na tila may hinihintay at may iba naman at dumiretso na sa loob.

"No ID, No entry. You are not that special to be exempted to the rule, Mad," ani Mikael. "Mauna na ako. I am not that irresponsible like you, I have to get in time."

Hinawakan ko ang braso ng kapatid ko nang aktong tatakbo na ito papasok.

Tinignan niya ako nang masama, tila nang-aakusa.

"You are not thinking of borrowing my ID, aren't you?"

I smirked. "Can you do me a favor?"

He gulped.

"Puntahan mo si Ericka, alam mo 'yung tambayan namin, hindi ba? Doon na sa Science Garden. Baka ando'n sila. Sabihin mo puntahan nila ako rito."

"And?" He raised his eyebrows.

"Basta. Gawin mo na lang. Go ahead, baby boy..."

Nakita ko ang pandidiri sa kanyang mata bago tumalikod at tumakbo papunta sa gate. Pumila siya at nang matapat na kay Kuya Guard ay sinuri pa ng guard ang kanyang ID. Nang matapos ay nakapasok na ito.

Ako naman ay sumali na lang sa ibang estudyante na naghihintay pa rin sa labas.

"Mad!"

Napatingin ako sa lalaking tumatakbo palapit sa akin. Mukhang kadarating lang din nito.

"Hey, Raf!" kabado kong bati.

"Bakit hindi ka pa pumapasok?"

Hindi ako agad nakasagot dahil nahihiya akong sabihin na nawawala ang ID ko. Hindi ko na rin kinailangan pang sumagot dahil nang makita niyang wala akong ID ay napatango ito.

"Nakalimutan mo ba ID mo sa bahay?" Mahina itong tumawa. "I've been there! May technique diyan para makapasok ka."

"Pinagbabawal na technique ba 'yan?" biro ko pa.

Every GameWhere stories live. Discover now