Chapter 3

150K 6.6K 1.9K
                                    

Chapter 3: Game

My whole day is a disaster, I haven't been this humiliated in my whole existence. Hindi ko na rin naharap pa sina Rafael at Ericka, sa tuwing tatawagin nila ako ay mabilis na aalis ako. Nakatungo lang din ako habang palabas ng gate para itago ang mukha kay Kuya Guard.

Nang makalabas ng school ay bumaba kahit papaano ang pagkabagsak ng pakiramdam ko.

Napatingin ako sa kapatid kong nasa gilid ng gate. Hawak nito ang kanyang suitcase, seryosong nakatingin sa akin. Sa gilid niya ay may dalawang babaeng tumatawa, kasing edad niya lang ata 'yon o baka kaklase pa.

Kinalbit si Mikael ng isa sa mga babae. May sinabi ito sa kapatid ko. Nakita ko ang pagdaan ng inis sa mukha ni Mikael. Nasa kalagitnaan pa ng pagsasalita ang babae nang talikuran na niya ito para pumunta sa akin.

"Oh? Kinakausap ka pa ata ng classmate mo, ah?" puno ko sa kanya.

He shook his head. "Not interested. Let's go? I am so tired, Mad."

"Ipagpapara lang kita ng masasakyan na jeep, mauna ka na," sabi ko.

He raised his eyebrows. "And... Why? Hindi ba sabi ni Papa ay sabay tayong uuwi?"

"Ipapa-school service na niya tayo next week, magiging sabay na rin tayo no'n." Hinawakan ko ang kanyang balikat. "May aayusin lang ako. Sabihin mo kay Papa uuwi rin ako agad, may dinaanan lang."

He frowned. "I hate lies, Mad. I am not like you."

"It's not a lie, may dadaanan talaga ako."

"I will come then."

Natigilan ako. Makikipagkita ako sa hindi kilalang tao, ayokong idamay siya kung sakaling may mangyaring masama. Saka ayokong malaman niya ang mga nangyayari sa akin. Mas gusto kong isipin niya ang kanyang sarili.

Hinawakan ko ang braso niya. Papunta na kami sa gilid ng daan kung saan may mga naghihintay ding estudyante ng jeep. Angal ito nang angal habang padabog na naglalakad. Hindi ko na lang siya pinansin.

"Gawin mo na homework mo pagkarating sa bahay, kapag hindi mo alam, iwan mo na lang sa table sa sala, ako ang gagawa."

"I am curious, Mad."

I looked at him, confused. "Curious of what?"

"The mystery behind the disappearance of your ID. It could be connected to the mud on your uniform. Also, I saw you texted your friend, you don't waste money for load just to text your friend, you do it through FB's messenger. Sino nag-load sa 'yo?"

I cursed under my breathe. How could he noticed all that?

"Tatlo pa!" sigaw ng isang driver ng jeep.

Hinila ko na si Mikael papunta sa jeep. Hirap na hirap ako dahil ayaw pa niyang magpahila.

"Mad..." pagmamaktol nito.

"Come on, Kael..."

"Fine!" Hinablot niya bigla ang kanyang braso mula sa pagkakahawak ko. Kinabahan ako nang makita ang ngisi sa kanyang labi. "I'll tell dad you are in danger. That you didn't get the mud by accident but someone pushed you, and that someone has been blackmailing you to do things!"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Natagpuan ko na lang ang sarili kong hinihila ang kapatid ko palayo sa jeep. Sumilong kami sa waiting shed. Hinarap ko sa akin ang kapatid ko.

"A-Are you crazy, Kael? I thought you don't make lies?"

And... I am frustrated again.

"It's not a lie!" He insisted. "I know. You've been seeing someone."

Every GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon