Chapter Sixteen: Little Miss Perfect

2.2K 106 21
                                    

Chapter Sixteen: Little Miss Perfect

Felicity

Everything will be okay.

That's what I tell myself as I run in the darkness, a pack of feral dogs currently chasing me.

Pagod na pagod na ako, pakiramdam ko ay bibigay na ang mga tuhod ko anumang oras. Hindi ko na mabilang kung ilang minuto na kong tumatakbo pero hanggang ngayon ay hinahabol pa rin ako ng mga aso.

It seems that my scent is imprinted on their brains. No matter where I go, what street I turn into, still they follow.

Hindi ko alam kung nasaan ang mga kasama ko. Pero sana ay hindi nila nararanasan kung ano ang nangyayari sa akin ngayon. Sana ay ligtas silang lahat.

My vision goes blurry because of tears, and my breathing shallows. One more turn and my knees would surely buckle.

One of the dogs catches up to me. It bites me on my left leg, making me scream. I lose my balance and my body slams on the ground. For some reasons, I don't feel any pain. As I watch the dog slowly devouring my leg, the only thing that I'm feeling is fear.

The other dogs catches up to us. There are five of them, all baring their teeth, their hungry-filled eyes fixed on me. I know right then and there that I only have seconds to live. These dogs will tear my body to bloody bits.

I close my eyes. There's no point fighting them now. I know full well that I won't be able to survive their wrath.

Hinintay ko na sugurin ako ng natitira pang mga aso. Pero lumipas ang ilang segundo ay wala akong naramdaman na kahit na ano. Dahan-dahan kong idinilat muli ang mga mata ko at ang una kong nakita ay ang mukha ng isang lalaki.

Wala na ang mga aso. Pati ang kagat ng isa sa mga ito sa hita ko ay wala na rin. Ang tanging nasa harapan ko na lang ay ang lalaki na hinding-hindi ko makakalimutan.

"Jared," sambit ko.

Ngumiti siya. "Felicity."

He's still wearing the same clothes he was wearing when he and Holly were taken by the soldiers yesterday. Is it possible that he got away from them? If so, then where's Holly?

Hinawakan niya ang kamay ko at tinulungan akong tumayo. Siya nga si Jared, hindi ako nagkakamali. Nakabalik na siya nang ligtas.

Ibinuka ko ang bibig ko para itanong sa kanya ang mga gusto kong itanong, pero natigilan ako nang mawala ang kanyang ngiti. Sa isang iglap, ang masaya niyang ekspresyon ay napalitan ng kalungkutan. Iniwas niya ang kanyang tingin at itinuon ito sa suot niyang sapatos.

"Jared, anong problema?" tanong ko.

Muli niyang ibinalik ang tingin niya sa akin. Bukod sa lungkot, nakikita ko rin ang matinding galit sa mga mata niya. Humakbang ako ng isa paatras.

"Jared.."

"Why?" he asks, his voice low and his tone sharp. He takes a step towards me and I take a step back.

"Bakit ninyo kami pinabayaan ni Holly?" tanong niya. Sa bawat salita ay lumalakas ng lumalakas ang boses niya. "Bakit hinayaan n'yo na kunin nila kami?"

Nanlilisik ang mga mata niya sa galit. Mas nakakatakot pa siya kaysa sa mga aso na humahabol sa akin kanina.

Hindi siya ang Jared na kaibigan ko. Ang taong nasa harapan ko ngayon, hindi ko siya kilala.

The guy who looks exactly like Jared takes another step forward. With every step that he takes, I take a step back. My eyes widen as my back hits a wall.

Saving HumanityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon