Chapter 9

88 4 0
                                    

July 10, 2017
9:29 PM

Angela

: Good evening, babe!

Angelo

: Ang aga mong nag-online, a.

Angela

: Oo, para makausap kita nang matagal ngayon dahil tatlong araw akong hindi nakapag-chat sa iyo.

Angelo

: Bakit? Magde-deactivate k ng fb mo?

Angela

: Busy ako. May group activity kami at ako ang leader. As usual ako na naman ang sasalo sa lahat.

: Wala pa ring pinagbago ang mga estudyante kahit college na. May iba pa rin talagang umaasa sa leader palagi.

: Ang suwerte ko kasi dahil sa akin napunta lahat iyong mga walang pakialam pero nakapagtatakang nakatuntong pa sila sa fourth year. Graduating na sila pero ang bigat ng puwet!

Angelo

: Lilipad na ako papuntang Zambales at bukas na bukas ay pagsasabihan ko iyang mga ka-grupo mo.

: Pagsabihan mo kaya babe. Ikaw ang mahihirapan kapag aakuhin mo lahat.

: Walang masamang magsabi kung alam mong wala silang ambag.

: Tao rin sila kaya kailangan may ambag mga ‘yan.

: Hindi sila hayop para walang maiambag.

: At saka magpapaalam din ako sa ‘yong hindi rin ako nakapag-chat dahil busy pa rin ako sa thesis kaya babawi ako sa 'yo ngayon, pero kung busy ka pa, let's settle a date and time to talk to each other. Kahit 30 or 15 minutes a day?

: Pero mas unahin mo muna 'yong kailangan gawin, I'll understand.

Angela

: Nah, hindi. Hindi ako busy. Ikaw, kung busy ka, gawin mo muna iyan. Or kapag gusto mo kunan mo ng litrato 'yang ginagawa mo ngayon na hindi mo pa natatapos para tulungan kita.

: Game ako sa schedule pero parang hindi tayo parehas ng schedule.

: Ayokong mag-usap tayo sa hatinggabi. Oras na ng pagtulog iyon.

: Kailangan mo na ring disiplinahin ang sarili mo.

Angelo

: Baka nga ikaw diyan may importanteng gagawin.

: Hindi nga pala tayo parehas ng schedule.

: Chat mo na lang lahat ng gusto mong sabihin sa akin kahit hindi ako online, tapos magre-reply ako kapag may available time ako. Okay na ba ‘yang idea ko?

Angela

: Actually meron nga.

: Puwede rin pero mas sanay akong may nagre-reply agad sa chat ko. I’ll do that one time if I really need.

Angelo

: Picture-an mo. Mag-online study tayong dalawa.

Angela

: Aysus. Huwag na, basic lang 'yon!

Angelo

My Angela (CHAT SERIES #3)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora