Chapter 16

86 7 0
                                    

July 29, 2017
11:00 P.M.

Angelo

: Babeee?

: How are youuu?

: Hindi ka na ba busy?

: I miss you.
One week na tayong hindi nag-uusap.

: At mas lalong naging grabe ang panghihinala ko sa ‘yong hindi ko naman dapat gawin | Deleted

: Nababaliw na ako sa kakaisip | Deleted

: Ingat ka palagi,
haaaa?

: I love you
and I miss you.

: Mag-online ka na at sana ay hindi masamang balita ang mabubungaran ko sa ‘yo.

Napahilamos ako ng aking mukha matapos kong patayin ang cellphone ko. Sa bawat pagtulog ko ay dinadalaw niya ako sa aking panaginip. . . at sa panaginip kong iyon ay nakita ko siyang may kasamang iba. I don’t know what to believe. If I need to believe in my dream or not. Kasi ang sabi ng matatanda ay lahat ng nasa panaginip ay mangyayari sa hinaharap.

Hindi ako naniniwala agad-agad pero parang may kabuluhan naman ang kuro-kuro ng matatanda—ng lola ko. Tatlong beses akong magpadala ng text message sa kaniya sa isang araw at gan’on din sa pag-iwan ko ng mensahe sa messenger account niya, pero wala akong natanggap na reply mula sa kaniya. Binigyan ko na rin siya ng load para sigurado akong makatanggap ng reply, pero wala talaga kahit “salamat” man lang.

It’s bothering me a lot.

“Angela, tayo pa, ‘di ba?” tanong ko sa kawalan. Malalim akong bumuga ng hangin sa kalagitnaan ng malakas na ihip ng hangin na sumabay sa akin.

“Angela, babe. . . hindi ko sana mabasa ang salitang ‘break na tayo’ kapag magcha-chat ka sa akin,” I whispered in a pathetic way.

My Angela (CHAT SERIES #3)Where stories live. Discover now