Chapter 19

75 6 0
                                    

August 2, 2017
10:00 P.M.

Angelo

: Busyyyy?

Angela

: Hindi naman. Baka ikaw ang busy.

Angelo

: Medyo busy pero easy lang ang short quiz bukas.

: How’s your day?

Angela

: As usual. Hindi na gaganda pa ang araw ko dahil palagi na lang magulo. At saka sanay na ri naman. Idinadaan ko na lang sa pagngiti ang lahat.

: How about you?

Angelo

: Nag-aayang mag-sleep over si John sa bahay nila dahil wala ang parents niya, nag-out of the town pero hind na ako sumama.

: Hindi ako sanay na makitulog sa ibang bahay at matulog sa ibang kuwrto. Kilala mo naman ako, ‘di ba? Haha.

: Kuwarto ko, kuwarto ko lang. Hindi talaga ako nakakatulog kapag hindi ko unan iyong gamit ko. Ang weird kooo.

: At saka hindi sila mag-re-review. Mag-iinuman lang ang gagawin nila at saka ayaw ko naman uminom dahil magkakaroon lang ako ng hang over kinabukasan n’on, ‘tsaka hindi ako mahilig sa alak. Sa sprite, oo, gustong-gusto.

: Sila mama at papa naman dito sa bahay ay okay lang. Nakakatuwa ngang hindi sila nag-away ngayon. Mga dalawang linggo na rin silang hindi nag-aaway.

: Sila mama at tito, nag-aaway pa ba?

Angela

: As usual, wala ng pagbabago.

: Ang hirap talaga ng LDR.

: Lipat ka na rin dito, babe.

: Miss na miss na kita.

: Naiinggit ako sa mga kaklase kong nakakasama nila ang boyfriend nila. Nakakapag-date sila, nakakakuwentuhan nila sa personal, nahahawakan nila ang kamay ng isa’t isa.

: Makikitira ako sa inyo kung puwede lang talaga akong umalis dito at kung hindi na ako pumapasok. Gusto ko na ngang hindi na ituloy ang pag-aaral ko kahit medyo financially stable naman kami dahil may trabaho si papa. Nahihirapan pa rin kasi akong mag-adjust sa environment. Gusto kong bumalik diyan, pero hindi na puwede kasi magiging hassle na naman at marami na namang aayusin ‘tsaka graduating na rin naman na tayo. Kaso iyon nga. . . sa bawat oras na hindi tayo magkasama ay mas lalo akong nangungulila sa iyo.

: Miss na miss na miss na miss na miss na miss na kita.

: Tulog ka na?

: Hindi ka man lang nagsabi.

: Marami ka sigurong ginawa kaya pagod na pagod ka at natulugan mo na ako.

: Good night, babe!

11:56 P.M.

Angelo

: Shit!

: Babeeee, pasensya na dahil nakaidlip ako at ngayon lang naalimpungatan.

: Busy kasi ako kanina noong nag-chat ka. Ayaw ko namang sabihin sa ‘yo kasi alam kong titigil ka sa pagkukuwento mo at gustong-gusto ko pa man ding mabasa lahat ng mga kuwento mo. Lahat ng mga iniisip at nangyari sa ‘yo buong araw.

: Huwag kang mag-alala dahil darating ang araw na magkasama tayong dalawa.

: Sa ngayon, umasa muna tayo sa panaginip at doon natin gawin ang mga bagay na gustong-gusto nating gawin sa isa’t isa.

: Kapag nagkita tayo sa panaginip, magyakapan tayo, haaa?

: Matutulog na lang ulit ako at mamaya na lang ako magbabasa paggising ko.

: See you in dreamland.

My Angela (CHAT SERIES #3)Where stories live. Discover now