Chapter 47

15 3 0
                                    

October 22, 2017 at 8:17 PM

Angelo

: Good evening poooo

: Katatapos ko lang kumain at bawing-bawi naman kahit hindi ako kumain kanina.

: Away tayo nang away. Para tayong bata. Gusto kitang hiwalayan no’n, pero dahil na siyempre mahal na mahal kita kaya hindi ko ginawa. Mas madalas pa ang hindi natin pagkakaintindihan kaysa sa maging sweet tayo simula noong magkalayo tayo. Samantalang noong nanndito ka pa sa Palawan, panay ang gala natin. Gala doon, gala dito. Kain doon, kain dito. Gagawan mo ako ng assignment, gagawan din kita ng assignment kung saan hirap ka. Magtuturuan tayong dalawa. Siyempre ikaw ang mas matalino sa ating dalawa, valedictorian ka ng buhay ko samantalang salutatorian lamang ako.

: Elementary days… naaalala ko pa dahil isang beses lang kasi tayo naging magkaklase. Ako yung ibinoto ninyong class president sa klase habang ikaw ang ibinoto nila as secretary. Ang ganda naman ng sexytary ko noong mga panahong iyon. Crush na kita kaso siyempre hindi ako loyal noong bata pa ako dahil marami akong crush.

: Tawang-tawa ako nang madapa ka noon, pero pagkatapos kong matawa, tinulungan kita kasi alam ko masakit ang magkasugat. Sabi nga nila lalabas daw ang kanin sa sugat mo, hinhintay kong lumabas ang kanin pero wala. Sinabihan mo akong bakla. Ilang beses mo na nga ba akong sinabihang bakla?

: Hindi ko na maalala, pero maraming beses na. Siguro pang-bakla ang kaguwapuhan ko, pero hindi talaga ako bakla. Inaasar-asar lang ako ng mga ugok kong kaibigan dahil wala silang mapag-trip-an. Tapos paniwalang-paniwala ka naman.

: From LDR, long distance relationship to ILMLOML. I lost my love of my life, and it was you, Angela Marquez.

My Angela (CHAT SERIES #3)Where stories live. Discover now