WAKAS

84 6 3
                                    

October 5, 2019 at 9:25 AM

Angelo

: Hi, babe. It's your 3rd death anniversary today. Tatlong taon ang lumipas at may puwang ka pa rin sa puso ko. Mahal na mahal talaga kita. Pero iyon nga lang. . . may kahati ka na sa pagmamahal ko.

: Sorry kasi niligawan ko siya. Hindi ka naman galit sa akin, 'di baaa?

: I honestly want to say that you are still on my mind, you still had the special place in my heart. Naaalala ko pa yung sinabi mo sa aking, you want me to be happy. Oo, masaya na ako ngayon pero hindi ako masaya noon dahil hindi ko matanggap ang pagkawala mo. Ilang taon na rin akong nangulila at salamat dahil tinulungan mo akong makalimutan ka. Gustuhin mo mang kalimutan na kita nang tuluyan, ngunit ayaw kong gawin. Sa lahat ng naging ex-girlfriend ko, ikaw lang nagpaiyak sa akin ng ganito. Paano ba naman, ikaw kaya ang first love ko. Sa totoo lang natatakot akong magmahal. Natatakot akong kalimutan ka pero kailangan ko nang umusad sa at iwan ang ating nakaraan. Ngayon, may nahanap akong babae na kukumpleto sa akin. Ang dating Angelo Flores ng buhay mo ay, buhay na ng iba. Ikaw dapat iyong nandito, pero ipinagkait ni tadhana ang istorya nating dalawa. Napakadali niyang tinapos. Napakasama ng tadhana sa atin! Hindi ko na iisa-isahin ang lahat at aaminin kong hindi pa rin ako handa, pero sa tulong ni Bianca, alam kong unti-unti akong makakalaya sa ating nakaraan. Thank you for the love you give and for the memories. This is the end of the chapter of our love story. Huling chat ko na rin ito sa 'yo at hindi na ako mambubulabog pa sa account mong matagal ng tahimik. Paano, sa susunod na habang buhay, magkita tayo, haaa? Huwag ka ng mawawala sa piling ko, ha? Piliin ulit natin ang isa't isa at walang mang-iiwan para matupad ko mga pangako ko sa 'yo. Bubuo tayo ng mas matibay na pagsasamahan, kung saan walang makatitibag sa ating dalawa. Iyong mas makulay pa na love story ang kukulayan natin sa susunod na habang buhay kaysa sa istorya natin ngayon. I loved you, my Angel. Guide us always. You are my one and only Angel—my guardian angel, Angela Marquez.

Bumungisingis ang katabi ko habang kanina pa pala niya binabasa ang huling mensaheng ginawa ko para kay Angela.

“I know she’ll happy for you.” She patted my head like a child.

I smiled. “I hope she is. I am sorry Bianca,” I apologized.

Pinaghintay ko siya nang tatlong taon, at nanatili siyang nasa tabi ko at nagtiis na naghintay ng pagkakataon. Gan’on nga ba niya ako kamahal?

Ngumiti lamang siya nang malawak. “Huwag kang humingi ng sorry. Worth it naman ang paghihintay ko. Hindi ako naiinggit o nagseselos sa kaniya dahil siya naman ang literal na the one mo. Ika nga nila, first love never dies and I guess. . . I am your true love?” She chuckled at nahawa naman ako sa kaniya.

Nakahahawa ang vibes niya, ang kasiglaan niya at noong mga panahong ayaw ko pang magmahal, ay nandoon siya. Naging sandalan ko siya ng mga problema ko.

“At saka kusang darating ang panahon para mahalin natin ang isa't isa. Ngayon, akin ka— hindi. Magiging akin ka lang talaga kapag kasal na tayong dalawa. Ayaw ko pang angkinin ka,” natatawa niyang sambit.

“Halika nga rito,” sabi ko at sinenyasan siyang lumapit sa akin lalo.

Niyakap ko siya nang mahigpit sabay halik sa kaniyang noo. Mahal ko siya, ngunit walang papantay sa pagmamahal ko kay Angela. Maaaring balang araw, mas hihigit ang pagmamahal ko kay Bianca. Bago pa lang kami at unti-unti pa lang ulit ako pumapasok sa mundo ng pag-ibig. Umaasa akong ito na ang huli, na siya na at hindi na ako masasaktan pa. Nakakatakot magmahal nang lubos. Natatakot akong mawala siya.

Niyakap niya ako pabalik at mabilis niya akong dinampihan ng ngiti sa aking dibdib.

Malambing kong tinatapik-tapik ang balikat niya. “You are the reason kung bakit ako nagmahal ulit. You taught me how to love again. Thank you for patiently waiting for me and staying with me until my heart skipped a beat again.”

"You welcome to my life, ser," she said, chuckling. 

In this journey of my life I learned to let go all the past and live with the present. May mga times na kakatok sa akin ang nakaraan at maaalala ko ang kuwento namin. Ma-s-stuck ako roon dahilan para mag-cause ng traffic sa daan dahil ayaw kong umusad kahit kanina pa naka-green light ang traffic light. Hindi naman masamang magbalik-tanaw. All from the past are lessons to be treasured. To move forward, let go and accept all even in a first place it’s hard. Mga binuo naming memorya ay napakahalagang ginto. It’s hard to move on, it’s hard to move forward but I made it. Ika nga nila, past is past pero para sa akin, past is part of my present life. Without the past, I wouldn’t learn from it. Just like the song: if you love someone, you open up your heart.

Bihira lang ang nagtatagal sa long distance relationship. Kaya saludo ako sa mga magkasintahang nalalampasasan nila ang bawat pagsubok na pinagdadaanan ng kanilang relasyon, lalo na sa mga long distance relationship. Layunin kong patunayan na kaya ko—naming dalawa ang long distance relationship, ngunit pinagkaitan kami ng tadhana. Oo, hindi maiiwasan ang away at gusto ko rin siyang awayin pabalik pero kailangan may isang mag-adjust, ang umintindi. Hindi rin maiiwasan ang pagdududa lalo na’t magkalayo kami. Natutunan kong tiwala ang susi para maging matatag at mas tumagal ang aming relasyon.

And today, I taught myself to open my heart again for someone.

"Huwag kang matakot buksan ang iyong puso sa taong kumakatok na maging parte ng iyong buhay. Walang masama kung papasukin mo iyon at hayaang maging parte ng iyong buhay. Madalas natatakot tayo baka kasi hindi siya ang nakatakda sa atin. Gusto kasi natin ang una nating nakilala ay siya na hanggang huli, pero hindi pala dahilan para matakot ka ng magmahal. Walang masamang magmahal. Love is full of pain."

Tumango ako sa aking narinig na payo mula sa kaniya. Tama siya. Ganoon talaga ang pag-ibig. Nakakainis lang ding pinagkamalan din niya akong bakla. Marahil sa paraan ng aking pagsasalita at pagkilos. Ipinagpatuloy niyang tapik-tapikin ang likod ko habang nanatili kaming magkayakap sa isa't isa.

Bahagya akong tumingala maaliwalas na kalangitan. Gusto ko sanang pumunta ng Zambales para bisitahin siya mismo sa puntod niya, ngunit hindi kaya ng oras ko, kaya sa messenger account na lang niya ako nag-iwan ng mensahe. Alam ko namang binabantayan niya kami.

"Thank you and I loved you, Angela." I smiled and closed my eyes. Mas humigpit ang yakap ko kay Bianca. Iingatan ko siya ngayon. Ayaw ko siyang matulad kay Angela.

- W A K A S -

Sana nagustuhan ninyo ang story nila Angelo at Angela. Umaasa rin akong may natutunan kayo sa kuwento nilang dalawa. Maraming salamat dahil sinubukan mong basahin ang story ko. Sana ay hindi pa ito ang huli mong babasahin. God bless!

My Angela (CHAT SERIES #3)Where stories live. Discover now