Chapter 29

98 5 0
                                    

September 10, 2017
10:20 AM

Angelo

: Hi, good
morning babe.

: Hindi ka nag-online nang walong araw at hindi mo man lang na-seen ang chat ko.

: Naiintindihan ko naman kung magagalit ka o maiinis sa akin, babe.

: Pansinin mo
ako kapag okay ka na.

Seen 10:26 AM

Angelo

: Okay ka na?

: Puwede na ba tayong mag-usap?

Seen 10:35 AM

Angelo

: Hindi pa rin puwede?

: May pupuntahan lang ako saglit kasama ko sila Macoy. Huwag kang mag-alala, wala akong gagawing iba. Sasama lang ako sa kanila at uuwi rin agad. Hindi ako magpapagabi.

: Promise, I’ll update you later kung ano ang nangyari.

: Mag-chat ka lang sa akin

Seen 10:40 AM

Angelo

: Okay lang kahit i-seen mo ako basta ang mahalaga ay nababasa mo.

Seen 10:50 AM

Angelo

: Always wear your smile, babe. Don’t let your day ruin by someone. Have a great day ahead! :>

: Kahit ako ang rason ng pagkainis mo, huwag mo pa rin kalimutang ngumiti, haa?

: Mag-chat ka na sa akin mamaya.

: I miss you na.

***

7:18 P.M.

Angelo

: Good evening, babe.

: Nag-inuman sila Macoy pero hindi ako uminom dahil alam kong magagalit ka. At saka ang naging bagsak ko ay taga-hatid sa kanilang mga bahay. Mountain dew lang ang ininom ko. Sinabihan ko na ‘yong babae na i-delete na niya ‘yong picture at binura na niya.

: Mag-usap naman na tayo, pleasesee.

: Kung may problema ka, sabihin mo sa akin. Huwag kang mahiya. Hindi ba ito naman ‘yong madalas mong ginagawa? Bakit ngayon parang nagbabago ka na. Matapos nating i-celebrate ‘yong eight monthsary natin, lumalayo na ‘yong loob mo sa akin?

: Ayokong isabay ito sa hindi natin pagkakaunawaan, pero pakiramdam ko ikaw yata ‘yong may iba. Pero dahil may tiwala ako sa ‘yo, hindi ako manghihinala. Pipilitin kong huwag maghinala dahil baka saan pupunta itong tampuhan natin ngayon.

: Pansinin mo na ako.

: Your baby Angelo is begging.

Seen 10:20 PM

Angelo

: 'Yon oooh! Na-seen na rin niya.

: Ano, okay na tayo?

: Hindi pa rin okay?

: Sige, matutulog na ako, haaa?

: Mukhang bukas ulit ako mangungulit sa 'yo.

: Bukas okay na tayo, haaa?

: I love you, babe.

: See you
in dreamland.

: Matulog ka
na rin nang maaga.

: Night.

11:22 PM

Angela

: Break na tayo!

My Angela (CHAT SERIES #3)Where stories live. Discover now