Chapter 33

20 3 0
                                    

September 20, 2017
10:25 PM

Angelo

: Still up?

: Hindi ka makatulog?

Angela

: I can't sleep!

Angelo

: Why? Because you're thinking of me?

Angela

: Kapal! Hindi.

Angelo

: Ows? Huwag ka ng KJ, feel ko ako talaga.

Angela

: Feeler naman nito!

Angelo

: Naman. Kalahati ng puso ko na sa 'yo. Kaya malakas talaga ang feel ko.

Angela

:  Ehem! Ehem! Tigil-tigilan mo ako dahil gabi na.

Angelo

: Ano namang
kaso kapag gabi na?

Angela

: Hindi ka pa ba matutulog?

Angelo

: Bakit antok ka na ba?

Angela

: Hindi pa naman!

Angelo

: Kung inaantok ka na, matulog ka na.

: Bukas ka na lang magkuwento sa akin kasi nafe-feel kong napakarami mong ikukuwento sa akin.

: Siya nga pala, huwag mo ng ulitin iyon, haaa?

: Grabe ang ginawa mong pag-aalala sa akin. Hindi ako nakatulog nang maayos dahil sa kaiiisip ng kasalanan ko sa 'yo.

: Hindi ko naman talaga gagawin kaso nga alam mo naman na iyong mga kaibigan ko. Masyadong malakas ang trip sa buhay.

: Medyo umiiwas naman na ako sa kanila kaya madalas hindi na ako sumasama sa kanilang trip.

Angela

: Kausap pa kita, pero pinapatulog mo na ako.

: Oo na, hindi ko na uulitin iyong ginawa ko.

: Magsasabi na ako sa iyo. Ayaw ko kasing sabihin sa iyo dahil baka magalit ka kapag sasabihin ko. Kasi 'di ba. . . madali kang mainis kapag pinagduduhan kita. Ayaw kong magkasagutan tayo sa chat kaya humingi na lang ako ng space. Nabasa ko 'yong pm mo kaso iyon nga. . . hindi agad ako naniwala.

: Ang hirap talaga ng LDR. Daming pumapasok sa isip ko at nakakawalang tiwala. Naiinggit nga ako sa mga ibang LDR couple dahil kayang-kaya nilang i-handle ang hindi nila pagkakaintindihan. Kasi hindi naman pare-parehas ang tao. Iba-iba ang sukat ng pasensya natin at kung gaano kalaki ang tiwala natin.

: Mahirap kasing magtiwala nang sobra.

Angelo

: Mahirap ngang magtiwala nang sobra. Sa sobrang tiwala mo sa kaniya, sa pagiging kampante mo, hindi mo alam na may iba na pala siya.

: Pero wala namang masama kung magtiwala tayo sa isa't isa, 'di ba?

Angela

: Oo. Sana. . . malampasan nating lahat ang pagsubok na ibibigay sa atin. Sana tayo na sa dulo.

Angelo

: Tanggalin mo na ang sana dahil tayo na talaga sa dulo.

: Oh, matulog ka na.

Angela

: Okay. Good night I love you!

Angelo

: Good night. I love you too.

My Angela (CHAT SERIES #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon