Chapter 40

23 3 0
                                    

Para akong babaeng natuwa nang makitang nag-reply siya't active 3 hours ago. Maikli man ang reply, pero at least nag-reply ito.

"Lawak nang ngiti natin diyan, ah? Anong ganap?" tanong ni Dylan nang makita ako nito.

Itinago ko ang cellphone ko upang hindi na niya ito basahin pa. Siya ang isa sa tatlong tsismosong kaibigan ko.

"Nag-reply na kasi ng thank you," nakangiting sagot ko.

"Parang nag-reply lang. Matuwa ka kung sinabi niyang: 'I love you, babe. Bati na tayo.' Gano'n," singit ni John. Magkapatid yata ang dawalang ito dahil halos hindi mapaghiwalay.

"Mind your own business, bro.," ismid kong sabi kay John. Kaya ko pang makontrol ang ka-pilosopohan ni Dylan. Akala ko rin p're ang tawagan namin dahil napagkasunduan naming lahat para raw swabe sa pandinig, ngunit bumabalik sila sa pagiging sosyal kaya 'bro'.

Nangunot ang kaniyang noo. "Wala pa akong business, magpapatayo pa lang ng sariling business pagka-graduate natin."

Iiling-iling kong kinapa ang aking bulsa. Nang may makapa akong dalawang piso ay saka ako humarap sa kanila.

"Ito dalawang piso."

Nagtatakang kinuha naman ni Dylan iyon. "Aanhin namin?" tanong niya habang nakatitig lamang kay John.

"Tig-piso kayong dalawa. Maghanap kayo ng makakausap ninyo." Saka ko sila iniwan doon nang nakatanga. Madalas nakawawalang ganang kausap ang mga kaibigan ko. Wala silang naidudulot na maganda. Nakakapang-init lamang ng ulo.

***

Pagsapit ng kinabukasan ay agad-agad akong nagpadala ng mensahe sa kaniya. Nakalimutan ko siyang i-chat kagabi gawa ng aking matinding antok kaya nakatulog na ako. Siguradong naghihintay iyon ng chat ko. Hindi na lang sana ako humiga agad sa kama para hindi ako nakatulog.

September 28, 2017
11:10 AM

Angelo

: Thank you sa reply moooo

: Kinikilig ako nang sobraaa

: Yakkk! nababakla na ako

: Totoo yata ang hinala mong bakla ako. Lol.

: Siyempre
swabe akooo

: Tuwang-tuwa lang kasi talaga ako.

: Kumusta ka?

: Hindi ako makapag-concentrate sa pagre-review dahil iniisip kita.

: I have this attitude na hindi ako makapag-concentrate kapag may hindi tayo pagkakaintindihan.

: Believe me or not, iniisip ko kung paano tayo magkakaayos.

: May nabasa akong thread sa twitter na kapag nagkakasawaan na raw. No, right word for that is NAKASANAYAN hindi NAGKASAWAAN.

: Di ba may mga bagay na nakasanayan na natin at parang mapapatanong ka na lang na wala na bang bago.

: Masusubok talaga ang haba ng pasensiya mo sa isang relasyon.

: Tipong, may pang-data lang sapat na para makausap ka.

: Ang kulit ko 'no? Gusto ko lang namang makausap ka. Miss na miss na miss na miss na kita.

My Angela (CHAT SERIES #3)Where stories live. Discover now