Chapter 28

89 6 0
                                    

September 1, 2017
9:49 PM

Angelo

: How’s your daaaay?

Angela

: Okay lang!

Angelo

: Galit ka ba?

Seen 10:02 PM

Angela is typing…

Angelo

: Kanina pa ‘yang typing. Galit ka ba talaga o gumagawa ka ng long sweet message? <3

Angela

: Ano yung nakita kong picture sa timeline mo?

Angelo

: Ah, iyong babaeng naka-bikini?

: Hindi ko alam. Nag-random tag lang siguro sila at naisama ako.

: I-remove tag ko na lang dahi hindi ko naman kilala iyong babae.

Angela

: Sigurado ka?

: Ano iyong isa? Bakit kasama mo iyong babae?

Angelo

: Iyon ba?
Nagpa-picture lang
sa akin ‘yong babae.

Angela

: Hindi mo siya gusto?

Angelo

: Hindi.

Angela

: Siguraduhin mong totoo iyan!

: Baka mamaya pinagloloko mo na ako.

Angelo

: Hindi kita pinagloloko. Hindi ba sinabi ko na sa ‘yo kahapon, na ikaw lang?

Angela

: Hindi ako masyadong nagtitiwala sa salita kahit na maganda sa mga mata at pandinig

Angelo

: Bakit parang nagbabago ka na, Angela?

: Wala ka na bang tiwala sa akin?

: Hindi kita niloloko.

Angela

: Madaling magpalusot dahil hindi tayo magkasama ng harap-harapan.

: Nagbabago ka na rin, Angelo. Marami ka ng dahilan.

: Akala mo ba hindi ko napapansin iyon?

: Hindi mo na ako nasasabayang magpuyat dahil nauuna ka ng matulog kaysa sa akin.

Angelo

: Hindi naman dahilan ‘yan, Angela.

: Nagsasabi ako
ng totoo.

: May red tide ka ba ngayon?

Angela

: Wala!

Angelo

: Babe, huwag ka namang ganiyan.

: Kung gusto mo magpa-install ka ng cctv sa buong paligid ko tapos i-monitor mo kahit magkalayo tayo o mag-hire ka ng isang spy para tiktikan ako nang sa ganoon ay masiguardo mong hindi nga kita niloloko.

Angela

: Huwag kang pilosopo!

Angelo

: Ano na naman bang nakain mo at ang init ng ulo mo?

: Nag-away na naman ba mama at papa mo? Tell me. Hindi ‘yong basta-basta ka na lang ganiyan. Hindi tayo magkakaintindihan niyan.

Angela

: Wala!

👤

You missed a call from Angelo.

👤

You missed a call from Angelo.

Angela

: Huwag ka ngang tumawag. Hindi ko rin lang sasagutin iyan!

Angelo

: Sagutin mo ang tawag ko para mag-usap tayo.

Angela

: Ayaw kong sagutin!

Angelo

: Sagutin mo na, please?

Angela

: Naiinis ako kaya huwag kang mapilit!

Angelo

: Ano nga ba kasing kinaiinisan mo?

Angela

: Wala nga!

Angelo

: Alam kong meron kaya sabihin mo nga nang magkaintindihan tayo.

Angela

: Hindi mo rin ako maiintindihan!

Angelo

: Maiintindihan kita. Kaya sabihin mo na. . .

Angela

: Pagod lang ako kaya night!

Angelo

: Huwag kang matutulog hangga’t hindi tayo nagkakaayos, babe.

Angela

: Inaantok na ako!

Angelo

: Babe, sinasabi kong huwag ka munang matutulog. Isa. . .

: Nag-offline na nga.

: Alam ko namang mababasa mo ito paggising mo kaya magpapaliwanag ako.

: Hindi ko alam kung ano ang mayroon sa nakita mo sa picture, pero huwag ka namang ganiyan. Huwag mo sanang hayaang matapos tayo sa isang iglap. Wala akong ginagawa, nangako akong ikaw lang dahil ikaw lang naman talaga. Huwag mo sanang bigyan ng malisya ‘yong picture, magsasabi naman ako ng totoo kung mayroon man. Oo, sorry, hindi ko agad sinabi sa ‘yo ‘yong picture na ‘yon kahapon dahil magdamag kang offline. Hinihintay kitang mag-online, pero wala. Sige, matulog ka na. Night. I love you.

My Angela (CHAT SERIES #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon