Chapter 49

16 3 0
                                    

October 24, 2017 at 8:32 PM

Angelo

: Have a great day ahead!

: Halos araw-araw kitang china-chat pero wala ka pa ring reply?

: Gago ko ‘no? alam ko naman ng wala ka na, pero hanggang ngayon kasi hindi ko pa rin tanggap. Ang hirap tanggapin kasi napakahalaga mo sa akin.

: Sabay pa tayong bumuo ng pangarap. Sabi mo after nating grumaduate ay sabay tayong hahanap ng trabaho sa Manila at doon na mamalagi. Sabi mo rin tayo ang magsasama hanggang sa walang hanggan, pero heto, iniwan mo akong mag-isa.

: Sabi mo walang hanggan, pero heto tayo sa dulo… masakit na kanta ‘yan.

: Paulit-ulit ko ngang pinakikinggan dahil relate na relate ako. Ikaw siya, at ako ‘yong lalaki. Pero alam mo bang gaya din ako no’ng lalaki? Maghihintay ako.

: Pakinggan mo iyong Walang Hanggan by Quest. Masakit iyon. Tagos sa puso. Damang-dama ko.

: Siya kakain muna kami. Kain tayo, babe.

My Angela (CHAT SERIES #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon