Chapter 50

22 2 0
                                    

October 26, 2017 at 10:27 PM

Angelo

: Babeee, may maganda akong balita sa 'yo. Graduate na ako and magna cum laude.

: Nai-imagine kong masayang-masaya ka sa akin.

: Masaya ako ngayon, pero hindi ako totally masaya kasi may kulang. Wala ka. Kailan ka ba babalik?

: Kailan ba tayo magkikita ulit?

: Magpapa-party na ba ako nang bumangon ka sa iyong libingan at bisitahin mo ako, at saka mo sasabihing: Congratulations, babe. You did well. I am happy for you. I love you!

: How I wish na marinig ko ang mga iyan mula sa 'yo ngayon. I miss you so much. All I want today is you. I need you to comeback.

: For me and for your parents’ happiness. Gusto kong bumalik ka kaso imposible, ngunit. . .

: Hays. Sorry pala kung napakarami kong chat sa 'yo. Tadtad na ng messages ang messenger mo.

: Baka uso ang cellphone rin sa mga patay. Kapag may cellphone diyan kung saan ka man naroroon, huwag kang mahihiyang sumabay. Chat mo ako agad. Mag-reply ka gan'on kahit nakakakilabot mang pangyayari.

: By the way, I am tired today. Maraming nangyari. Bukod sa graduate na kami ay gumala-gala rin kami, nagsalu-salo sa resort at para kahit papaano ay makatakas sa kalungkutan ay sumama ako sa kanila, pero gaya nga ng sabi ko... hindi ako gaanong masaya.

: Si Macoy na lang pala ang hindi graduate sa amin and I heard na candidate siya for cum laude.

: Akalain mo 'yon kahit computer addict ang isang 'yon ay may tinatago palang katalinuhan.

: You know what I am still hoping that one day you’ll be here. Iniisip ko pa ring panaginip lang ‘to, naglu-lucid dream lang ako at ako yata ang kailangan ng bumalik sa katawan ko.

: Pero the truth is visible. The more you want to ignore the truth . . . the more it will be visible to you. It sucks to escape the reality because whenever you go it is still haunting me.

My Angela (CHAT SERIES #3)Where stories live. Discover now