Chapter 31

18 1 0
                                    

September 12, 2017
9:20 PM

Angelo

: Hi, babe. Kumusta ka na? Kumain ka na ba? I-unblock mo naman na ako, ohhhh

Napailing-iling ako sa aking sarili dahil mismong account ko lang din ang kinakausap ko. It’s been four days since she blocked me on her facebook account. I am terrified that she’ll never unblock me anymore and she will end the word ‘us’.

Frustrated kong sinuklay ang buhok ko gamit ang kinuha kong suklay sa gilid ng cellphone ko, na nakapatong sa maliit na mesang katabi ng aking kama. Habang nagsusuklay ang siya ang laman ng aking isipan.

Sinubukan kong tawagan siya pero pinapatayan lang niya ako. Pinaload-an ko rin siya ng isang daan para makapag-reply siya sa sandamakmak na text ko sa kaniya, para wala siyang maidahilang ‘wala akong load kaya ‘di ako naka-reply.’

Pumunta ako sa message icon at nag-type ng panibago kong text sa kaniya.

To: Babe

Mag-reply ka naman sa texts ko, o. Alam kong one week ang hinihingi mo, pero hindi kita matiis. Gusto kong pumunta diyan sa inyo, pero baka mas lalo ka ring magalit. Huwag mo naman sanang palakihin ‘yong tampuhan nating dalawa nang dahil lamang sa picture. Kung tinatamad kang mag-reply, sagutin mo tawag ko.

Message sent ✔

Tinawagan ko ang kaniyang numero ngunit gaya ng kanina ay cannot be reached ngayon. Tumawag pa ulit ko at halos pumalakpak ang aking tainga nang mag-ring ito. Agad din aking sumimangot dahil bigla niyang ini-end call.

Pumikit ako para magpalipas nang ilang minuto. Hindi ako nakatiis kaya dumilat ako at nag-text ulit sa kaniya.

To: Babe

Ayokong mag-sip ng kung ano-ano, pero nagpalit ka na ba ng cellphone number? Gusto kong tawagan si mama para tanungin ka, pero huwag na lang din dahil baka mas magalit ka kapag nalaman ni mama na may tampuhan tayo.

Message sent 9:59 PM

I typed another message to her again to satisfy myself.

To: Babe

Maghihintay ako nang one week. Hihintayin kong lumitaw ang pangalan mo sa messenger chat head ko pagkatapos ng hiningi mong isang linggong space mo. Hihintayin kita kaya sana huwag mong kalimutang may tayo pa rin.

I sighed as I turned off my phone. Sana may kami pa rin. . . ganito pala kahirap ang long distance. Walang kasiguraduhan kung hanggang kailan may kayo. Hindi ako sigurado kung mahal ba talaga niya ako o mahal lang niya ako ngayon dahil wala pa siyang nahahanap na iba.

My Angela (CHAT SERIES #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon