Chapter 52

19 2 0
                                    

March 6, 2018 at 7:20 AM

Angelo

: Five months had passed and I am still doing what I usually do since the day you left us. I am still sending you messages. Hindi ako mapapagod na ikuwento sa ‘yo ang nangyayari sa akin sa araw-araw kahit hindi mo man mabasa.

: Talking to you is my routine.

: Nawawala lahat ng mga problema ko at lungkot ko sa puso. Miss na miss ka na namin.

: Nandito na ako sa Manila. May stable na akong trabaho. Iyong mga ugok, may mga balita pa rin naman ako sa kanila pero si Aldrin lamang ang kasama ko rito sa Manila dahil nandito ‘yong girlfriend niya. Parehas na company ang pinagtra-trabahuan nilang dalawa.

: Kung nandito ka sana, e 'di ganoon din tayo, ngunit solo moment ako. Sina John, LM at Dylan ay nasa Palawan pa rin at doon naghanap ng trabaho si Macoy malapit na ring grumaduate at natanggal siya as cum laude candidate. Bumagsak siya sa tatlong subject. Nakalulungkot man but we are still happy for him. A-attend kami sa graduation niya.

: And I also want to inform you na babe… masama ba ako kung may nagkakagusto sa akin ditong ka-trabaho ko? Hindi ko naman ginustong may maguwapuhan sa akin.

: Umamin siya sa akin at sinabi ko naman sa kaniyang ayaw ko dahil may girlfriend ako, pero hindi siya maniwala. Kinausap niya pa si Aldrin at sinabi naman ng ugok na ‘yon na wala ka na. Ang sabi ko naman nagsisinungaling lang ang Aldrin na ‘yon.

: Ayaw kong palitan ka pero alam kong makakahanap ako ng bago. Siguro hindi pa ako handa sa ngayon. I am not totally healed. Sana hindi na ako maghilom. I want you to be my only one.

My Angela (CHAT SERIES #3)Where stories live. Discover now