Chapter 37

20 2 0
                                    

September 24, 2017
9:34 PM

Pagdating ko sa bahay ay kaagad kong tinawagan ang kaniyang numero. Nakahinga ako nang maluwag dahil sinagot niya ang aking tawag.

“What did you say? Cool-off?” hindi makapaniwalang tanong.

I heard her sighed. Nai-imadyin kong nakapikit ito ngayon at nagpipigil ng inis sa akin. Nakakabigla kasi ang kaniyang sinabi. Alam kong may mali ako dahil idinidiin ko iyong nawawalan na siya ng gana sa akin. Bakit ko nga ba kasi iyon ginawa.

(“Pagbigyan mo na ako, Angelo. One month lang naman.”) 

Napaawang ang bibig ko kasabay ng pagtawa ko nang mahina. “One month lang naman? Seryoso gano’n katagal? Angela, babe. . . bakit?”

Mali bang sabihin sa kaniya ang nararamdaman at napapansin ko? Sinabi ko lang naman iyon para maging aware siya pero iba ang pagkakaintindi niya. Mali ba ako ng pagkakaintindi?

(“I am losing my interest.”)

Hindi ako naimik sa narinig. Masakit sa aking pandinig. Hindi ko inaakalang masasabi niya iyon nang ganoon kadali. Nawawalan na siya ng gana sa akin at tama nga ako. Unti-unti ng nalalanta ang halamang itinanim naming dalawa. Nakakaumay ba ako?

“Sabihin mo nga sa akin, ano ba talaga ang rason mo? May iba na ba? Sabihin mo nang mapalaya na kita,” salubong ang kilay kong wika.

(“Hindi dahil may iba na ako, Angelo. Nawawalan na ako ng gana sa relasyon natin.”)

“Bakit ang bilis mo namang bumitiw?” sambit kong hindi pinag-isipang maigi.

(“Hindi ako bibitiw, Angelo, kung hindi ka ganiyan mag-isip. Ang toxic mo na, Angelo. Nagsisisi akong sinabi kong mala-perfect guy ka na kasi hindi naman pala.”) buntong-hiningang sagot niya.

Hinimas ko ang aking sentido at bumigat ang aking pagbuga ng hangin. Hindi ko matanggap ang mga narinig ko.

“What? Huwag naman ganito. I suffered one week for not be able to contact you and now, one month? Hindi mo ba alam kung gaano ka-torture sa akin ito, Angela?”

Binabaan niya ako ng tawag subalit dali-dali akong nag-online para i-chat na lang siya. Hindi na niya sasagutin ang tawag ko kapag tatawag pa ako. Kapag binabaan na niya ako ng tawag, ibig sabihin n'on ayaw na niya akong kausapin pa.

Pagpasok sa kuwarto ay narinig ko ang boses ng mga kaibigan kong makikitulog na naman. Nasarapan masyado sa pagtulog dito kagabi, kaya uulit sila ngayon.

Kumatok sila nag-chat ako sa group chat namin.

Oppa Gang

Angelo

: Hayaan n'yo muna ako dito sa kuwarto.

: Diyan muna kayo sa sala.

Aldrin

: Sige, kakausapin na lang muna namin si Louie at si tita.

John

: Dalian mo mag-moment.

Angelo

: 👎

--

Angelo to Angela

Angelo

: Please huwag naman ganito.

: Hinhintay ko palagi mga replies mo at inaabangan kitang mag-online.

My Angela (CHAT SERIES #3)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt