Chapter 3

7.2K 460 106
                                    

Chapter 3

The cold water wake all the sleeping cells in my body. Sobrang lamig pero tiniis ko iyon. Sandaling nakalimutan ko ang gagawin namin ngayong araw.

At tuluyan na nga pala kaming nawalan ng tubig. Okay lang dahil pinaghandaan na namin iyon.

Alas tres pa lang ay gising na ako. Naghanap ako ng kape sa baba at nagtimpla sa isang tasa. Buti nalang at may mainit pang tubig na natira. Nag init kasi ng tubig si Selena kagabi. Nakaligo na ako at handa na para mamaya.

I held the smoking hot cup of coffee with my two hands and ambled to the sofa. Maingat ko itong ibinaba sa mesang gawa sa kahoy. I guess ako pa lang ang gising.

I checked my wrist watch. It's already quarter to four. After taking a sip from my coffee, hinawi ko ang kurtina at pinagmasdan ang labas ng pader. One, two... Dalawang changer ang ngayo'y nakadikit sa pader. They're trying to come inside but they can't. Mabuti nalang at hindi nila kinakalampag ang gate. Siguro'y dahil wala silang pagkaing naaamoy. They are hitting the walls with their body and then they started walking away and be back again. Repeat.

Tinakpan ko ang bibig ko at bumungisngis. Siguro'y buong magdamag nilang ginawa 'yan. Nakakapagod pero hindi mo maaninag ang pagod sa kanila.

They can't feel pain. They don't get tired. They're always hungry.

The sun hasn't rise yet. Muli akong uminom ng kape bago kinuha ang baril sa tabi ko. Hinawakan ko ito ng mahigpit. I took a deep breath. This will get me ready before we head out. Kabado akong tumayo at naglakad papunta sa pinto.

Dahan-dahan kong inangat ang pangalawang lock na may kadena gamit ang isa kong kamay bago ko pinihit ang door knob. Hawak ng isa kong kamay ang baril.

I slowly opened it but someone pulled it outside kaya napasigaw ako sa gulat. Tinakpan ko ang bibig ko. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. There's somebody outside. Hindi ko ito nakita, ni hindi ko ito narinig. Nanginginig ang katawan ko sa harap ng pinto.

"Aide,"

"Ahh!" Sabay atras ko dahilan para mawalan ako ng balanse.

Bumagsak ako sa sahig at nabitawan ko ang baril sabay tingin kay Phoenix ng masama. He's grinning and I glared at him, cursing him under my breath. Damn, this man!

Dali-dali akong tumayo at inayos ang suot ko sabay tingin sa lalaking nakapamulsa sa harap ko. Pilit nyang tinatago ang kanyang ngiti. Habang ako ay nanggagalaiti sa galit. Gusto ko syang paghahampasin at sigawan pero namuo lang ang luha sa mga mata ko.

Sobrang natakot ako. Sobrang lakas ng tibok ng dibdib ko tapos may tatawag lang sa'yo bigla. Hindi ko man lang napansin na nakababa na sya. Tumulo ang luha sa mata ko. He took a step towards me but I flinched. He stopped and reach one hand to me pero umiwas ako.

"Look, hindi ko sina—" Nakakahiya.

"Someone pulled the door when I opened it." Sabay pahid ko sa mukha ko.

Bwesit tong lalaking 'to. Sobrang natakot ako sa ginawa nya. I'm still glaring at him. This time, his face doesn't show any emotions.

"No. It was me. I pushed the door when you pulled it open." Sabay yuko nya at tingin muli sa akin.

Mas lalong uminit ang ulo ko. Mas lalong dumami ang tubig na namuo sa mata ko.

"Alam mo bang sobrang natakot ako?!" Umiiyak na sigaw ko sa kanya. Wala na akong pakialam.

"L-Look. Aide, I'm sorry. I didn't mean to scare you!" Paliwanag nya.

He closed the gap between us. Now, he's towering me with his tall and broad frame. Hanggang balikat nya lamang ako.

Adelaide: Today For TomorrowWhere stories live. Discover now