Chapter 14

5.1K 376 44
                                    

Chapter 14

"Get your hands off her, man."

He pulled me towards him kaya ngayon ay nasa gitna na nila ako.

"Phoenix..." I muttered before holding his arm.

Sobrang sama nyang makatingin kay Machia na para bang may ginawa itong masama sa akin. Si Machia ay nakipagtitigan naman sa kanya habang nakataas ang kamay na kanina'y nakahawak sa akin. Parang pinapakita na hindi sya naghahanap ng gulo at madali lang syang kausap.

"Machia, thank you. I'm sorry..." Nahihiya kong sabi.

Tumango lang si Machia at nginitian ako. Nahihiya ako sa inasal ni Phoenix. Hinila ko si Phoenix palayo kay Machia at lumakad naman si Machia patungo sa mga kasama nya.

"Phoenix, why are you being so grumpy?" Naniningkit ang mga matang tanong ko sa kanya.

Hinilamos ni Phoenix ang dalawa nyang kamay bago tumitig sa akin.

"Bakit ka lumalapit sa kanya? You don't even know that guy." Ramdam ko ang galit sa boses nya.

Napailing-iling na lamang ako. Hindi ko sya makakausap ng matino dito. Mamaya ko nalang sya kakausapin ng maayos sa bahay.

"Hindi ako lumalapit sa kanya. And will you please calm down? Hindi nakakatulong ang init ng ulo mo. I know you are still mad at me pero 'wag mo namang idamay lahat." Galit kong sabi sa kanya bago sya iniwan.

Nakasalubong ko si Selena nang pabalik na ako sa mga nakaparadang sasakyan.

Hindi sya nagtanong at dumiretso lang sa kung saan ako kanina. Mabuti nalang at hindi nya nakita ang sagutan namin ni Phoenix dahil hindi ko talaga alam kung ano ang sasabihin kung makita nya kaming ganon.

They're almost done inside after three hours. It's already one in the afternoon.

And it seems like dumadami na ang changers sa paligid. Siguro'y dahil sa amoy namin at dahil sa ingay.

We tried not to do anything to get their attention but it's hard because there are a lot of us here at hindi namin maiiwasang makagawa ng ingay. Tatlo sa mga kasama ni Captain ay may mga dala at ikinarga ito sa likod ng truck namin. It's enough, I can say.

Maya-maya ay nagsilabasan na sila mula sa gusali.

Si Hebrew ay nakikipag-usap sa isang lalaki na sa tingin ko'y kaedad lang nya.

I called Chase at pinapasok na sya. Tapos na rin naman kami dito.

I find Adam really cool as he mumbled military terms and jargons on his radio. Nakatingin ako sa mga kasama nyang tulong tulong na ikinarga ang mga nakuha nila sa kanilang sasakyan nang marinig ko ang sinabi ni Adam.

"Motherfucker! Get your ass in the truck! We got a herd coming on our way! Let's move!" Sigaw nya nagpatakbo sa mga kasama nya.

Ganun din ang ginawa nina Selena at Phoenix.

Binalot ako nang kaba nang makapasok na ako sa sasakyan.

Phoenix slammed on the gas and made a right turn as they fired. Tumahol ng ilang beses si Chase.

"Oh, hell!" Iyon ang lumabas sa bibig ko nang makita sa likod namin ang mga nasa limang dosenang changers ang papalapit sa amin.

Humarurot na ang mga sasakyan ng Camp Hawkins at lumihis sa ibang daan. Unti-unti ng humina ang naririnig kong mga putok at unti-unti na ring nawala sa paningin ko ang mga changers na bigla na lang sumulpot. Malakas na pagsabog ang narinig ko mula sa kinaroroonan namin kanina bago lumitaw ang usok mula doon.

Adelaide: Today For TomorrowOnde histórias criam vida. Descubra agora