Chapter 17

5.1K 353 130
                                    

Chapter 17

"I knew it." Natatawang sabi ni Phoenix kaya napatingin ako sa kanya.

Inalis ko ang ngiti sa mukha ko at tinignan sya ng seryoso.

"Where did you get these?" I asked him.

It's a bunch of different kinds of flowers. Ang carnation lang at ang gumamela ang nakikilala ko dito. 'Yong iba ay mukhang bulaklak ng kahoy o bulaklak sa tabitabi pero natutuwa pa rin ako.

"Nadaanan lang namin kaya kinuha ko." Hindi ko na talaga mapigilang hindi mapangiti.

Parang wala lang akong ikinainis kagabi dahil sa mga ito.

"Thank you." I said.

"Let's go inside." Ani Phoenix kaya lumakad na rin ako. "Hey, bud! Look."

Nilingon ako ni Phoenix nang sumalubong sa amin si Chase, ipinapakita ang paa ni Chase na ginagamit nya na pero iika-ika pa rin sya ng konti. Siguro'y hindi nya pa buong nilalagay ang kanyang bigat sa kanyang paa. But I'm happy that Chase is helping himself. Well, animals do that most of the time since they can't communicate to people to help them so they usually do things that can help themselves.

We went inside with Chase wiggling his tail like he's so happy that Phoenix is back.

"Nick!" Salubong ni Carol kay Phoenix sabay yakap na para bang tatlong linggo silang hindi nagkita.

Napatingin muna sya sa mga bulaklak na hawak ko bago ibinaling ang tingin kay Phoenix. Umiling-iling nalang ako bago tinawag si Chase. Umusbong na naman ang inis na kanina'y nawala na.

Kinuha ko ang vase sa center island kung saan ko nilagay ang mga bulaklak na nakuha ko noon at inilagay doon ang ibinigay ni Phoenix sa akin bago nilagyan ng tubig. Ilalagay ko ito mamaya sa tinutulugan ko.

Simon and Ella was preparing something for lunch when I entered the dirty kitchen. Nandoon rin si Selena pero lumabas ito papunta sa taniman dala-dala ang radyo nya nang makapasok ako. Siguro'y nakikipag usap kay Harris.

Si Simon ay kinukulit si Ella. He kept on asking her random things at mukhang hindi naman naiirita si Ella sa kanya.

Nakinig lang ako sa mga banat ni Simon at mag-isang ngumingiti habang nakatingin sa kanilang dalawa.

"Aide, come on." Mahinang sabi ni Simon nang makita nya akong ngumingiti habang nanonood sa kanila.

"What?" Sabay taas ng kilay ko habang natatawa. "Wag mo 'kong ma Aide Aide jan."

Simon hurried towards me using his one foot at agad na kumindat-kindat na parang may gustong sabihin kaya napahalakhak ako at mahinang sinuntok ang braso nya. The Simon that I met days ago is not the Simon that I'm facing now. This Simon is in love to the woman who's nine or ten years older than him.

"Help me with Ella." He mumbled pero umiling-iling ako kaya kumunot ang noo nya. "Why?"

"Di mo 'ko Ate. Ikaw ha? Baka di ko lang alam, crush mo rin ako noong unang araw mo dito." Panunuya ko sa kanya pero humalakhak lang si Simon.

"But why won't you help me?" This time ay sumeryoso na sya.

"Sime, take it slow. You have all the time. You know Ella has been through a lot before we brought her here. Just be there for her sa ngayon since hindi naman sya naiirita sa kadaldalan mo." Seryoso ako noong una pero sa huli kong sinabi ay napahalakhak na ako.

Simon leaned forward and hugged me. "You're the best sister."

"Nangbola ka pa talaga." At mahinang itinulak ko sya.

Adelaide: Today For TomorrowWhere stories live. Discover now