Chapter 15

5K 330 62
                                    

Chapter 15

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Ramdam kong ang dila ni Chase sa aking kaliwang pisngi. He's now acting as my alarm clock by licking my face.

"Good morning, Chase." I mumbled bago ako bumangon.

It's already four and I don't usually wake up ng ganitong oras. Nagising na ako kanina pero bumalik ako sa pagtulog dahil sobrang bigat pa ng pakiramdam ko.

Bumangon ako at ipinasok ang mga ginamit ko sa pagtulog sa loob ng kwarto. Naabutan ko si Carol na natutulog pa. Dumiretso na lang ako sa banyo para makaligo na. We don't have any plans today. Maybe we'll just stay here at pagkaabalahan ang kahit anong makita. Or we can also check nearby farms, baka may iba pa kaming mapakinabangan.

Nang matapos akong maligo ay lumabas ako at pinatuyo ang buhok ko gamit ang tuwalya.

Humarap muna ako sa salamin at sandaling tinitigan ang aking repleksyon. A lot of things has changed. Sa mundo man o sa pagkatao ko.

Who would have thought that everything will turn out this way?

I smiled bago umalis sa harap ng dresser. Mabilis kong sinuklay ang buhok ko bago lumabas ng kwarto. Dumiretso ako sa baba at naabutan ko doon si Simon at Ella. Sila pa lang siguro ang gising.

"Good morning." I greeted them.

"Nag-init pala ako ng tubig. Baka gusto mong magkape." Ani Ella.

Walang nag-utos sa kanya para gawin iyon pero ginawa nya. I smiled. Nagpasalamat ako bago lumakad patungo sa center island kung saan naroroon ang lalagyan ng mainit na tubig.

Kumuha ako ng tasa, nilagyan ko ito ng kaunting kape at mas madaming gatas at konting asukal bago ko binuhusan ng mainit na tubig ang tasa.

Dinala ko ito kung nasaan sina Ella at Simon. May pinag-uusapan silang sila lang ang nakakaintindi.

Simon's smiles are different kapag kaharap nya si Ella. Tinaasan ko sya ng kilay habang nanonood sa kanila. Tumikhim si Simon bago sumeryoso ang mukha at binigyan ako ng nagtatanong na tingin.

"Hindi kayo aalis ngayon, Aide?" Tanong ni Simon dahilan para manglaki ang mata ko.

Aide? Seriously! Pinipigilan ko ang sarili kong matawa. Someone's trying to be a man here. Ano kayang magiging reaksyon ni Carol tungkol dito. Kumunot ang noo nya. Simon calls me Ate. Kaya nga rin nag Ate si Hebrew sa akin.

"Hindi po, Simon." Panunuya ko sa kanya pero hindi nya ito pinansin at tatango-tango lang sya bago bumalik sa pakikipag-usap kay Ella.

Umakyat na lamang ako sa taas para mabigyan sila ng oras sa isa't isa dahil mukhang sila lang rin naman ang magkasundo. Ella is ten or nine years older than Simon but it doesn't matter.

Naupo ako sa couch kung saan ako natutulog nang marinig ko ang yapak ni Phoenix.

Nagulat sya nang makitang doon ako nakaupo. Kadalasan kasi ay sa baba ako naghihintay sa kanila tuwing lalabas kami.

"Good morning, Phoenix." I greeted him and smiled.

Humakbang sya at bababa sana pero tinawag ko.

"We have lovebirds in there." I told him, hindi ko mapigilang hindi mapangiti.

Kumunot naman ang noo ni Phoenix bago naglakad patungo sa single couch at naupo. Nakatitig sya sa tasang hawak ko.

"You want some?" I asked him.

Akala ko'y tatanggi sya. He extended his right arm in front of me kaya napalunok ako at dahan-dahang iniabot sa kanya ang tasang hawak ko na umuusok pa. Hindi pa ako nakapagsipilyo kaya nag-aalangan ako at nagsising inalok ko pa sya.

Adelaide: Today For TomorrowWhere stories live. Discover now