Chapter 32

4.6K 343 65
                                    

Chapter 32

Hindi ako makahinga nang una kong buksan ang mga mata ko. It was silent but I know there are people with me. My vision is blurry. I'm gasping, extending my hand forward, desperate for air. Ramdam ko ang aking basang pisngi kahit hindi ako makahinga.

"Aide!" I can hear their voices but they seem so far away.

My suffering lasted only for seconds before my sight and my hearing went back to normal. But not my heart. Phoenix's hand is on my cheek as he stared at me worriedly. I held his hand before I burst out crying. Agad nya akong niyakap.

Bumalik sa akin ang lahat. Ang pag-aalala, ang takot na baka hindi ko na sila ulit makita. I shouldn't be like that, I should have been positive and held tight on my hopes, but the loneliness made me think of negative thoughts.

Lumayo si Phoenix sa akin at pinatakan ng halik ang aking noo, bago pinahiran ang mga luha mula sa aking pisngi. Pula ang kanyang mga mata at alam kong dinaanan rin ito ng mga luha. He looks exhausted.

"Aide, kamusta ang pakiramdam mo?" Selena asked me worriedly.

I tried to smile, happy that I didn't failed after everything.

"I'm okay." I whispered.

I tried to get up to talk to them properly but I winced in pain. Mabilis na dumapo ang kamay ko sa gilid ng aking tiyan.

"Aide, 'wag muna."

"K-Kaya ko." I forced myself to do it.

Ayokong makita nilang nanghihina ako. Ayokong pati sila ay maapektuhan dahil sa kalagayan ko. They saved me. They risked their lives for me. Hindi pwedeng ito ang igaganti ko sa kanila.

Inalalayan ako ni Phoenix kaya nagkaroon ako ng pagkakataong ilibot ang mata ko sa buong lugar. Kung siguro'y nasa normal na sitwasyon ang lahat ay siguradong nasa ospital ako ngayon. Pero ngayon ay nasa isang hindi pamilyar na silid ako. Ang hinihigaan ko ay sofa, may dextrose na nakasabit sa kanang bahagi sa may bandang likod ni Phoenix. Si Phoenix ay nakaupo sa tabi ko. May mga libro librong papeles at gawa sa metal na cabinet ang malapit sa pinto. May desk bago itong sofang kinalalagyan ko at may dalawa pa sa ibang bahagi. Isa itong opisina at nagpapasalamat ako dahil kahit naabanduna na ito ay hindi ito gaanong karumi. Hindi ko alam kung bakit pero nagpapasalamat ako na may kuryente dito.

I smiled at Hebrew but his eyes were sad. Namamaga ang kanyang mga mata.

"T-Thank you." I said to them.

Lumapit si Selena sa akin at hinawakan ang aking kamay.

"Be strong, Aide. I'm glad you're here with us again."

Mainit ang luhang pumatak mula sa mga mata ko ngunit mabilis itong pinunasan ni Phoenix na hanggang ngayon ay hindi nagsasalita sa tabi ko. Hindi nya pinuputol ang kanyang titig sa akin.

Tumingin muna ako kay Hebrew nang lumayo si Selena sa akin para makausap sya.

"Hebrew..." I smiled when I called him.

Pero yumuko lang sya at tinakpan ang kanyang mukha ng kanyang braso at marahas na pinunasan ang kanyang luha. Alam kong may mga gusto syang sabihin sa akin. Tumayo si Phoenix bago ang mabilis na mga hakbang ni Hebrew palapit sa akin. Ngumiwi ako dahil sa biglaan nyang pagyakap sa akin dahilan para sumakit ang sugat ko. Hindi naman ako nabahala dahil alam kong maayos ang kalagayan ko dahil kay Selena.

"Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyaring masama sa'yo, Ate. Kung hindi sana kita iniwan, kung sana'y sinamahan kita."

"Hebrew, walang may gusto ng nangyari. 'Wag mong sisihin ang sarili mo..." Hindi ko sinabayan ang iyak ni Hebrew dahil ayokong mas palalain ang nararamdaman nya.

Adelaide: Today For TomorrowWhere stories live. Discover now