Chapter 24

5K 360 37
                                    

Chapter 24

Phoenix and I prepared for our lunch. Nagkausap na ulit kami sa dalawang gabi na lumipas gaya noong unang mga araw na nakakausap ko sya bago matulog kaya bumalik na sa dati ang mga araw ko.

I shouldn't have distanced myself to them after everything, I realized that last night.

Bakit? Dahil hindi lang naman ako ang apektado sa mga nangyayari. Ella, Hebrew, Reign, Blaire, Eason, Harris and Phoenix, they're all affected too. Sa mga araw na lumipas, dapat mas pinapatatag namin ang bawat isa. Hindi magkanya-kanya. And I was so wrong for what I did. Dahil kahit ayaw ko silang maapektuhan kaya ko ginawa iyon, hindi maipagkakailang naaapektuhan rin sila.

Especially Phoenix, he needs someone to talk to.

"We'll head out after this. Who wants to come?" Ani Phoenix sa kalagitnaan ng panananghalian namin.

"I'll come!" Si Hebrew na inaasahan ko naman talaga.

"Sasama rin ako!"

"Ako rin. Wala rin naman akong gagawin dito." Mahinang sabi ni Ella.

Napanguso ako. Although she's back and I can say that somehow, got over with Simon's death, she's still not that energetic o ganyan lang talaga sya.

"Okay lang sa inyo na maiwan dito?" Tanong ni Harris kina Reign at Eason.

Ngumiti naman si Reign at tumingin kay Eason na walang tigil ang kain.

"Okay lang. Babalik rin naman kayo agad diba? Tsaka, 'wag kayo masyadong magtagal sa labas. Tingin ko uulan na naman mamayang gabi."

Napatango ako sa sinabi ni Reign. It's been raining straight for two days and I think Reign's right too. Mukhang uulan na naman kasi mamayang gabi. Noong mga araw na hindi pa masyadong umuulan ay pumupunta kami sa bayan para maghanap ng makakain.

Yes, there are still a lot of changers lurking around. Not only changers, but also some members of the militia kaya kung mapapansin naming mukhang delikado ay bumabalik na lamang kami. We believe that we are a flame in their eyes that when they'll see us, they will eventually put an end to us especially that we've killed a lot of them.

"Iwan nalang natin si Chase, Phoenix..."

"Sige."

"I don't know why I felt weird, hindi naman ito ang naramdaman ko noong nakaraan." Ani Ella.

Naisama na rin kasi namin isang beses si Ella noong nakaraang mga araw. Kumunot ang noo ni Hebrew habang nakatingin kay Ella na nakaharap sa daan. Kasalukuyang nasa labas kami ng gate ngayon.

Minsan nalang may napapadpad dito na changer. Kung meron man, nasa isa o dalawa na lamang ito. At sobrang naaagnas na to the point na agad ko na itong dinedespatsa dahil naaawa ako rito. 'Yong iba sa kanila ay tingin ko'y kinakain na rin ng mga hayop. Hindi iyon imposible. We do things to survive and I'm sure animals will do things for them to live too.

"Are you sure you're okay, Blaire?"

Nilingon ko si Harris na nasa passenger seat bago napatingin kay Blaire.  Namumutla ito at mahigpit ang hawak sa baril. Tatlo kami nina Hebrew at Blaire dito, sa likod naman namin ang nag iisang si Ella.

We used the SUV dahil kung 'yong isang truck ang gagamitin namin ay paniguradong magsisiksikan kami.

"K-Kinakabahan lang." Ani Blaire sabay tingin sa akin at ngumiti. "Ganito ka rin ba noong una mong makalabas?"

Napangiti ako at napatango dahil sa naging tanong ni Blaire. Nilingon ko si Phoenix. The memories of my first time to go out of their walls flashed in my mind. Ilang beses akong iniligtas ni Phoenix. Grabe ang takot ko noong mga panahong iyon.

Adelaide: Today For TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon