CAPITULUM 03

1.7K 158 5
                                    

Eastwood Heights
6:45 a.m.
---

"We meet again, Nova."

Detective Nico Yukishito smirked at his former partner. Bumalik na naman sa mga alaala niya ang mga detalye ng Heartless Killer case---every single damn detail. Of course, Nico could remember everything in vivid detail. Nakatabi ang mga alaalang ito sa kanyang interal storage cabinet.

Nang ibalik niya ang atensyon sa dalaga, napansin niya ang pag-irap nito.

"It's been months and you're still calling me that."

Umayos ng upo sa damuhan ang binatang detective at napabuntong-hininga. "Pardon me, Detective BRIAN. I wasn't informed that only that righteous and asshole of an attorney can call you by that nickname." bakas ang pang-aasar sa boses nito.

Lalong tumalim ang mga mata ng dalaga. 'He never changed a bit!' Isip-isip ni Nova. Pero ano pa nga bang aasahan niya?

Tumayo si Nico at isinuot muli ang jacket na tila ba hindi siya nahulog mula sa puno kanina. Bago pa man siya makapagsalita, mabilis na tumakbo papunta sa kanya ang isang batang babae.

"KUYA CHINITO!"

Nirvana hugged him, making the detective smile---this time, a genuine one. Nova's sister seems to like him a lot. Inayos nito ang suot niyang bag at tumingala sa detective. Nico patted the little girl's head, with a smug look on his face. "Kamusta ang bakasyon niyo sa Boracay?"

"Masaya, kuya! Ang ganda ng beach at...at.." napanganga si Nirvana at nagpakurap-kurap. "P-Paano mo po nalaman na nagbakasyon kami sa Boracay?!"

Ibinulsa ni Nico ang kanyang mga kamay. "Easy. Both of you looks a bit tanned, making your skin a shade darker. The prolonged exposure to the ultraviolet radiation from sunlight is the reason for that.  Plus, I can see faint traces of urticaria on your skin. Ang 'urticaria' or 'hives' ay ang pamamantal at pagkakaroon ng rashes ng katawan dahil sa isang allergen. It's most common among seafood allergies, thus, it's safe to say that you accidentally ate some seafood during your trip. Hindi mo namalayang may seafood ingredient pala ang putaheng kinain mo na nakapagpa-trigger ng allergy mo. That's not surprising since seafood is the main ingredient for most restaurants near beaches, kaya't halos lahat ng dishes nila, may mga sangkap na seafood. Hindi mo na ito mapapansin kapag kinain mo, kaya't mas prone kang aksidenteng makakain ng anumang seafood na bawal sa'yo. Bukod doon, napansin ko rin ang keychain sa bag mo. It's a small bottle containing white sand. A typical souvenier from Boracay."

Nakatitig lang si Nirvana kay Nico na para bang siya si Santa Claus. Her eyes twinkled in amazement. "ANG GALING!"

Nova raised an eyebrow. "Sorry to say, detective, but you don't have solid evidence to back up your deduction. Paano mo nasabing sa Boracay kami nagpunta? Maraming restaurants na nagseserve ng seafood at kahit saan namang beach, maaarawan kami to the point of being tanned. Kung ang keychain ng maliit na boteng may buhangin naman ang pagbabatayan mo, let me just remind you that most souvenier shops near beaches in Eastwood are selling these things."

Her challenging eyes flared at him.

'Here we go again,' Napabuntong-hininga ni Detective Nico at walang-ganang itinuro ang leeg ng dating partner.

"Puka shells."

"Huh?"

"Puka shells.. 'puka' is the Hawaiin word for 'holes', describing the small holes that can be found in these shell remains of sea snails. Native sa Hawaii ang mga puka shells, at kung mayroon mang ganitong klase ng shells sa mga beaches sa Eastwood, mangilan-ngilan lang. Fortunately, maraming puka shells sa Boracay kaya't ginagawa itong kwintas ng mga residente doon at ibinebenta bilang mga souvenirs. Sapat na ba ang paliwang na 'yon para matahimik ang ego mo, Ms. Briannova Carlos?"

Napapailing na lang si Nova. A small smile crept on her cherry red lips. 'Damn this guy! Kahit kailan talaga, pasikat ang isang 'to.'

"Airheaded emo. Tsk!"

Sino bang mag-aakalang magkukrus na naman ang landas ng dalawa sa pinakamagaling sa detective agents sa Eastwood? Fate must really be mocking them. Na-traffic na nga sila kanina dahil sa naganap na sunog sa kabilang parte ng subdivision! Medyo nagsisisi na tuloy si Nova at ngayon pa nila piniling bisitahin ang kanyang Ninang Esther. With only the her and Sasha, the mischievous Siamese cat, the Pontenilla residence seemed lonely.

'Matandang dalaga kasi.'

At hindi malayong matulad sa kanya si Nova.

Sumilip sa kanyang pambatang orasan si Nico at napasimangot. Matapos niyang pulutin ang kanyang cellphone, binalingan niya ang magkapatid "Dahil nakababa na ang demonyong pusa na 'yon, I'm gonna consider this a case closed."

Hindi umimik sina Nova at Nirvana. Nagsimula nang maglakad papalayo ni Detective Nico, ngunit hindi pa man ito nakakalayo, biglang umalingawngaw sa katahimikan ang notification tone ng cellphone ng dalaga. Ilang sandali pa, ang kay Nico naman ang tumunog.

It was a text message from Chief Inspector Placido Ortega.

The two greatest detectives in Eastwood exchanged meaningful looks. Mukhang hindi normal na sunog lang ang naganap kanina sa bahay ng isang negosyante.

They both know what this means.

---

✔ 02 | Flames Of Madness [Soon To Be Published Under PSICOM]Where stories live. Discover now