CAPITULUM 58

1.1K 102 6
                                    

S A T U R D A Y

---

Mr. Marlon Victoria's office
May 11, 2019
9:15 a.m.

"---can't remember much. Ang naaalala ko na lang ay noong nag-text sa'kin si Atty. San Andres. I was in need of a consultation, and he just so happens to offer his services. Kaya pinapunta niya ako sa lugar na 'yon.." napapailing na lang si Mr. Victoria, "Hindi ko naman akalain na nai-setup na pala ako ng kriminal na 'yon. I tried to call for help, but the bastard had a gun!"

Detective Nico Yukishito impatiently listened. Bago pa man siya makapagkumento ng hindi maganda, sinamaan siya ng tingin ni Nova. Wala nang nagawa ang binata. Huminga siya nang malalim at kalmadong nagtanong.

"So, he hasn't told you anything? Tsk. What a shame."

Kumunot naman ang noo ng negosyante. The wound on his forehead was neatly taken care of. Kung tama ang pagkakaalala ni Nico, inabisuhan siya ng doktor na magpahinga na muna. 'But of course businessmen are too stubborn for that,' he noted boredly.

Nagsasayang lang sila ng oras dito.

Kanina pa nila kinakausap si Mr. Victoria para mangalap ng impormasyon tungkol sa arsonist, but he can't seem to be useful in this case. Ni hindi nito mai-describe nang maayos ang mukha nito dahil sa kaba!

"Hm... Parang wala..."

'Damn Sherlock!'

Detective Nico was about to excuse himself when an imaginary light bulb clicked in Mr. Victoria's head.

"Ah, oo! Naaalala ko na. Bago ako nawalan ng malay, I heard the arsonist blabbing about some codes he was going to leave after he burns me.. hindi ko maintindihan kung para saan yung mga numero, pero paulit-ulit niya itong sinasabi.. he seems a bit mentally unstable, if you'd ask me. Talking about a how he's already behind schedule."

Nico immediately sat straight, his full attention on the businessman. Maging si Nova ay nagkaroon ng interes nang mabanggit ang tungkol sa code. "Do you remember the numbers?"

"Oo naman... Err, just a minute." Mabilis na kinuha ni Mr. Victoria ang lapis sa kalapit na pencil holder at kapirasong scratch paper.

Nang tapos na niyang isulat ang mga numero, agad na tiningnan ni Nico ang mga ito...

-1 2     -1  0       1  0     4  -1

Both detectives exchanged knowing looks.

*

Nang makalabas na sila sa opisina ni Mr. Victoria, agad na napasimangot si Nova habang makatitig pa rin sa mga numero. "May ideya ka na ba kung anong ibig sabihin ng code na 'to?"

Kalmadong umiling si Nico habang nakapamulsang naglalakad. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin mahanap sa kanyang mental storage cabinet ang impormasyong makakatulong sa kanila para i-decode ang mga clues na iniwan ng Robinhood Arsonist. Isama pa rito ang impormasyong sinabi sa kanila ni Karies Victoria kahapon. The puzzle is almost complete. But then again, one more thing concerned him..

"Are you a tad bit curious why there's another number code, Nova?"

Napahinto sila sa paglalakad. Kung nainis man si Nova sa palayaw nito sa kanya, hindi na nito ipinahalata. Nang ma-realize ni Nova ang ibig sabihin ng kasama, mahina siyang napamura.. "Darn it! Ibig sabihin nito may susunod pa siyang biktima?"

That possibility alone scared her.

Base sa listahang sinundan ni Robinhood Arsonist sa pagpili ng kanyang mga biktima, apat lang ang mga taong nakalista roon. Four of the richest people in Eastwood. Sa "pattern" na ipinakita ng arsonist, nag-iiwan siya ng number code tuwing may mamamatay, hudyat na may kasunod pa ito. Then again, if he list ended (or was suppose to end) with Mr. Victoria, bakit nito pinaplanong mag-iwan ulit ng code?

✔ 02 | Flames Of Madness [Soon To Be Published Under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon