CAPITULUM 14

1.3K 120 3
                                    

When you're inside a burning building, you need to stay as low as possible. Kahit pa pinalilibutan ka na ng apoy, kailangang may "presence of mind" ka pa rin.

'A fire needs oxygen to sustain itself. As I've read in textbooks, nasa ibaba palagi ang oxygen supply ng apoy, kaya't mas praktikal kung mananatili kang malapit sa sahig,' isip-isip ni Nico habang halos pagapang na niyang pasukin ang front door ng one-storey building. Sapat na ang mga crime documentaries na napanood niya para malaman kung ano-ano ang mga posible niyang ikamatay:

"Carbon monoxide poisoning" kung mauubusan na siya ng oxygen at puro usok na ang malalanghap niya. But if the lack of oxygen doesn't kill him, the fire will, and if worse comes to worst, baka mamatay pa siya kung babagsakan siya ng mga kisame o parte ng gusali.

'But none of that's gonna happen.'

Namumuo na ang pawis sa gilid ng kanyang noo, pero hindi niya pa rin mahanap ang biktima. Mula rito, naaamoy pa rin niya ang gasolinang ginamit ng arsonist. 'So, I was right all along. He used gasoline as an accelerant.'

But this is no time to celebrate his accurate deduction.

"May tao ba dito?!"

Pagtawag niya nang ilang ulit, pero wala pa ring sumasagot. Mahina siya napamura nang makita ang isang pintuan na nilalamon na ng apoy.

Ang opisina ng may-ari ng Kingstone Industries.

'He chooses his targets well.' Nico studied the lavish furniture turned to ashes. Hindi magtatagal at posibleng gumuho ang gusaling ito. He needs to save the victim and get out of here!

His sharp eyes focused on the doorway as he ran at full speed.

Matapang na tinakpan ni Nico ang kanyang mukha gamit ang kanyang mga braso bago sumuong sa apoy. When he stumbled inside the office, he tried to catch his breath. He was alive, and his clothes didn't even catch fire. Ngumisi si Detective Yukishito nang hindi man lang nalapnos ng apoy ang balat niya sa ilalim ng kanyang jacket.

Inayos niya ulit ang pagkakasuot nito sa kanya at inilibot ang mga mata sa paligid. But the little thread of hope he had in saving the victim all went down in flames.

Literally.

Naikuyom ni Detective Nico Yukishito ang kanyang mga kamao habang tinititigan ang nasusunog na bangkay. Nakapako ito sa pinto ng banyo at nanunuot pa rin sa hangin ang amoy ng nasusunog nitong laman-loob. The skin turned to black as the body fluids dried up. Pools of blood remained on the floor beneath him.

Nilapitan ni Nico ang nasusunog na katawan at napansin ang suot nitong suit and tie. His eyes trailed over the unrecognizable corpse until he saw the nameplate.

"Johnson Kingstone, CEO of Kingstone Industries."

'I'm too late. Damn Sherlock!'

Just then, he saw something on the man's neck. Kumuha siya ng panyo at inalis ang nakatarak na syringe dito, silenlty thankful that it wasn't fully destroyed yet. After wrapping it up and hiding it inside his jacket, Nico's eyes averted to the writings on the floor. Hindi tulad ng kanina, mukhang pentel pen naman ang ginamit ng arsonist para isulat ang mga numero.

-1 -1     0 0     8 -1     4 -1

Mahinang napamura si Detective Nico Yukishito. 'Another code?' Mukhang nakikipaglaro talaga sa kanila ang arsonist---no, they're not just facing a regular arsonist. They're against a serial arsonist.. a madman who murders the rich bastards and burns them alive after stealing their money.

'If you think you can outwit the law, think again, you devil.'

Somehow, Nico has a feeling this isn't the last time they'll be facing the Robinhood Arsonist. Malakas ang kutob niyang may mas malaki pa itong plano, at mas marami pang mamamatay habang unti-unting nilalamon ng apoy ang kanyang mga biktima.

Ngunit bago pa man siya tuluyang makalabas ng gusali, may napansin siyang bagay sa isang sulok.

'Ano naman ang ginagawa nito dito?'

*

The sound of sirens broke through the tension.

"Finally!" Mabilis na nilingon ni Nova ang direksyon ng pinanggagalingan ng tunog. Humawi ang mga tao nang pumarada ang isang malaking fire truck. It sported the fire department's logo as a few firefighters came down with a hose.

Sa paglipas ng mga segundo, lalong nag-aalala si Nova. 'What's taking him so long?' Sumulyap siya sa direksyon ng nasusunog na gusali. Hindi pa rin lumalabas doon si Nico. Kinakabahan siya. Damn it, she's worried for him! Kahit naman hindi sila magkasundo ni Nico at madalas gusto na nilang ipatapon sa kabilang bahagi ng Eastwood ang isa't isa, she can't deny her concern.

That's what friends are for, right?

Sumulyap ulit siya sa mga bumbero. Bakit ba ang tagal nilang kilos?!

"Hey! Saan ka pupunta?"

"Kailangan na nating iligtas si Nico. Baka mamaya naghihingalo na pala ang baliw na 'yon sa loob!" Kaya bago pa man siya pigilan ni Officer Mariano, mabilis na sinugod ni Detective Brinnova Carlos ang mga bumbero. Her pink her flew across her face, but she made no effort to fix it.

Galit niyang tinapik sa balikat ang isang firefighter at ipinakita sa kanya ang detective's badge niya sa wallet. Kung kailangan niyang gamitin ang awtoridad niya para mapasunod ng mga ito, Nova would gladly do it.

Yes, the sassy and clever (but sometimes hot-tempered) Detective Briannova Carlos can handle this situation smoothly...

"Yes, ma'am?"

Huming siya nang malalim.

"I'm Detective Carlos of SHADOW agency." Itinuro ni Nova ang Kingstone Industries offices, "Nasa loob ng nasusunog na building na 'yan si Detective Yukishito, and if you don't mind, can you please do your goddamn job and save his ass from getting toasted?!"

Nabigla ang firefighter sa narinig. "T- Talaga?! S-Sandali lang po, sasabihin ko sa leader nami--!"

"SAVE HIM OR ELSE I'LL SAVE HIM MYSELF! ANG BABAGAL NIYONG KUMILOS! GOSH!"

Napanganga ang lalaki at ang iba pang mga firefighters na abala sa pagmamando ng malaking hose. Natigilan silang lahat sa pagsigaw ni Nova at maging ng mga residente ay napalingon na rin sa direksyon nila. Nova's mouth went dry when she realized her outbrust.

Epekto ito ng trauma niya sa apoy. It was slowly unnerving her and messing with her emotions. Bago pa man siya makahingi ng pasensya, bigla siyang nilapitan ni District Officer Rizee Mariano.

The blue-eyed female doesn't look pleased with her.

"Alam kong isa kang detective, Ms. Carlos. I respect you, but your authority is no excuse for that shitty attitude of yours."

Napasimangot si Nova sa pagtataray nito. Her ego won't let that nasty comment slide, kahit na alam niyang siya ang may mali. Humalukipkip ang dalaga at nakipagtagisan ng tingin sa officer, "I appreciate the concern, but you are in no position to talk to me like that, Officer Mariano."

Ngumisi si Rizee. "As a matter of fact, I think I am."

"At bakit naman?"

Itinuro ng district officer ang bumberong sinigawan kanina ni Nova.

"You just shouted at my boyfriend, bitch."

---

✔ 02 | Flames Of Madness [Soon To Be Published Under PSICOM]Where stories live. Discover now