CAPITULUM 45

1.1K 105 4
                                    

-1  2       7  -1       6  -1        4  -1

-1 -1       0   0        8  -1       4  -1

Kanina niya pa tinititigan ang mga numerong iniwan ng Robinhood Arsonist. Matapos ang kanyang imbestigasyon, mula pa kaninang tanghali ay nakakulong na si Detective Nico Yukishito sa loob ng kanyang magulong apartment. After what he discovered, his suspicion about these numbers became stronger.

Paulit-ulit niyang sinulat ang mga numero sa kahit saan---he wrote them over and over again in his old notebooks, he wrote them on the cover of his favorite book, he even wrote them on the mirror inside his bathroom!

Ngunit kahit ilang beses niyang isulat ang mga ito, hindi pa rin maunawaan ni Nico kung paano i-decode ang mga ito.

'Parehong nahanap ang dalawang set ng mga numero sa crime scene, malapit sa bangkay ng mga nasunog na biktima. Kasama nito ay ang sumunod na clues para malaman kung sino ang susunod.. like that mallet manufactured from Kingstone Industries, and that syringe..'

But there's something that doesn't fit.

Something that will explain why the arsonist didn't attack Mr. Dela Vega the night before.

Habang tumatagal, lalong sumasakit ang ulo ni Nico sa kasong ito. His mind is forcing too much information on him. 'Damn my condition..' Iisa lang ang sigurado niya sa nangyayari ngayon.

Nang-aasar talaga ang Robinhood Arsonist.

"Arf! Arf!"

Hindi pinansin ni Nico ang alaga niyang golden retriever nang lapitan siya nito, dala-dala ang laruan nitong bola. The detective's mind was too preoccupied. Nakatulala lang siya sa mga numero na posibleng sumagip sa susunod na biktima ni RA, at sa reputasyon nilang pareho ni Detective Briannova Carlos.

Napabalik siya sa reyalidad nang biglang umalingawngaw ang ringtone ng kanyang cellphone. Iritableng napabuntong-hininga si Nico at sinimulan nang hanapin sa ilalim ng kanyang sopa ang cellphone niya. "Damn Sherlock! Why is he calling me again? Sinabi ko namang dadaanan ko na lang bukas sa opisina niya..."

Nang hindi niya mahanap ang cellphone sa ilalim ng sopa, sinumulan na niyang kalkalin ang tambak sa sahig. He pushed through scattered papers, disposable plates, books, and sticky notes. When he finally found his phone, he let out a triumphant "Aha!" and answered the call.

But it wasn't the tech geek in their agency.

["D-Detective Yukishito?"]

"Dr. Dela Vega.. Did something happen?"

Nanlaki ang kanyang mga mata nang marinig niya ang mga sumunod na sinabi ng doktor. Muli na namang umatake ang Robinhood Arsonist.

*
Nang marating ni Detective Nico ang nasusunog na Aguirre estate, naabutan niyang rumeresponde na ang mga bumbero. The flames almost engulfed the first floor of the house. Lumalabas sa mga bintana nito ang makapal at itim na usok. The smell of carbon monoxide was almost overwhelming.

"Damn Sherlock!"

Not again.

At kahit na hindi pa niya nakikita ang bangkay ng biktima, alam niyang huli na. Hindi na niya nailigtas ang pangatlong biktima ng arsonist.

Huminga nang malalim si Nico at inilibot ang mga mata sa paligid. Doon niya nakita si Dr. Dela Vega, ilang metro ang layo mula sa nasusunog na bahay ng kaibigan. Nakaupo lang siya sa bukana ng isang gazebo sa gitna ng hardin. He had his face buried in his hands, while an officer tried to talk to him. Agad na nakilala ng binata ang district officer.

✔ 02 | Flames Of Madness [Soon To Be Published Under PSICOM]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ