CAPITULUM 32

1.1K 104 0
                                    

Victoria Mansion
5:07 p.m.

---

Mrs. Victoria took in a deep breath and sipped her afternoon tea. Pero kahit anong inom niya ng tsaa, mukhang hindi pa rin nito mapapakalma ang ginang. 'Pasaway talaga ang batang 'yon, kahit kailan!'

"Meow!"

Mrs. Victoria's attention averted to the Siamese cat. Kanina pa ito nakahiga sa malambot at mamahalin nilang sopa. Sa kanyang tabi, mahinang natawa naman ang kanyang amo matapos nitong ubusin ang meryendang inihanda ng kanilang katulong kanina.

"Naku, mare! Mukhang gustong-gusto ni Sasha ang sopa ninyo. Wala naman sigurong allergic sa pusa sa inyo, 'di ba?"

Umiling si Mrs. Victoria sa kanyang kaibigan. "Wala naman."

"Eh, yung anak mong si Karies?"

Agad na naitikom ni Gng. Amy Pontenilla ang kanyang bibig. Nakalimutan nitong hindi dapat niya ipinapaalala ang anak sa kanya. Especially since the reason why Mrs. Victoria invited her here is to keep her distracted from worrying about her adopted daughter, Karies.

"S-Sorry, mare."

"Okay lang. Hahaha! I guess, it can't be helped. When you're a parent, it's hard not to feel worried sick for your child."

Hindi naman siya masisisi ni Mrs. Victoria dahil tumanda itong dalaga. She wouldn't understand the trouble of having a teenage daughter. At sa mga pagkakataong ito, iniisip ni Mrs. Victoria na maswerte pa rin ang kanyang kumare. Atleast hindi ito naii-stress sa mga ganitong sitwasyon.

Napabuntong-hininga na lang si Mrs. Victoria.

"Hindi pa rin siya sumasagot sa mga tawag namin. Ang sabi ng guard, kaninang madaling-araw pa raw siya lumabas, pero hanggang ngayon hindi pa rin nagpaparamdam si Karies.. do you think I should call the police? Baka kung ano nang nangyari sa batang 'yon."

Kaninang umaga nang magising sila ng kanyang asawa, napag-alaman nilang wala sa mansyon si Karies. After eating breakfast, Mr. and Mrs. Victoria went to their office to handle the company. Naunang umuwi si Mrs. Victoria, inaakala niyang nagbalik na sa mansyon ang anak.

But it's been almost twelve hours, and she's still not at home.

Hindi na bago sa kanila ang hindi pagpapaalam ni Karies. Madalas naman kasi, wala sila ng kanyang asawa para kasikasuhin ang kanilang anak. Minsan pa nga, halos hindi na sila nagkikita nito kahit na nakatira naman sila sa iisang bubong. Both of them are workaholic, and she thought Karies understood that.

Pero sa nangyayari ngayon, hindi maiwasang tanungin ni Mrs. Victoria ang sarili kung may pagkukulang ba sila sa anak.

Mrs. Pontenilla's concerned eyes stared at her, "Mare, uuwi rin yun.. baka gumala lang kasama ng mga kaibigan. Alam mo naman ang mga kabataan ngayon, masyadong lumalakwatsa! Hahaha! She's be fine."

"Pero---"

"Let her enjoy her life. Kapag bente-kwatro oras nang hindi umuuwi si Karies, saka ka na tumawag sa mga pulis. Ay! Hindi, sa DEATH ka na lang pala tumawag. Alam mo bang yung sikat na binatang detective pa noon ang nagbaba kay Sasha sa puno?" Binuhat ng ginang ang kanyang pusa. The cat 'meow'ed and snuggled herself in her owner's arms.

Mrs. Victoria smiled. "Umaakyat na naman ba ng puno si Sasha? Akala ko ba natigil na 'yang ugali niyang 'yan."

Ngumiti si Mrs. Pontenilla, "Ewan ko ba kay Sasha! Hahaha! Umaakyat lang naman siya ng puno kapag natatakot siya o may hinahabol siyang squirrel eh. Mukhang nagmana sa'kin na pasumpong-sumpong na naman."

"Meow!"

Mrs. Victoria nodded. Pero hindi na niya muling ginalaw ang kanyang tsaa. Sinubukan ulit niyang tawagan ang cellphone ng anak. Mukhang kahit na wala pang bente-kwatro oras, baka ipakonsulta na niya ang kaso sa detective agency na sinasabi ng kanyang kumare.

---

✔ 02 | Flames Of Madness [Soon To Be Published Under PSICOM]Where stories live. Discover now