EPILOGUS

2K 150 45
                                    

M O N D A Y

---
Victoria Mansion
May 13, 2019
9:09 a.m.

Inayos ni Karies ang kanyang shoulder bag at tahimik na bumaba ng hagdan. Maingat niyang iniwasan ang ilang maids at nagpasulyap-sulyap sa mga pasilyo. Nang makita niyang nakaupo pa rin sa may sala ang kanyang mga magulang, napalunok siya sa kaba. 'Damn. Akala ko umalis na sila?'

She gripped the strap of her bag and started her way out when Mr. Victoria's voice stopped her.

"Saan ka na naman pupunta, 'nak? Hindi ka pa nag-aalmusal."

She sighed and turned to her parents. "B-Bibisita lang po ako sa bahay-ampunan, dad.. doon na lang po ako kakain. I heard what happened to Mother Theresa last night, and I just wanted to check up on her."

Nag-aalalang ngumiti ang kanyang mommy. "I know this must be hard for the both of you.. pero para sa ikabubuti ng lahat ang pagkakadakip ng arsonist."

"O-Opo.." hanggang ngayon ay sumasakit pa rin ang puso niya tuwing iisipin ang mga krimeng ginawa ni Macky. Reality broke him so many times that sometimes, Karies feared that he's already beyond redemption. Naging isang kriminal ang dating tahimik at masiyahin niyang kababata at nahihirapan pa rin siyang tanggapin 'yon.

Maya-maya pa, ikinagulat ni Karies nang yakapin siya ni Mrs. Victoria. Isang yakap ng ina na matagal-tagal na rin mula nang huli niya itong madama.

"Nandito lang kami, anak.. palagi mo 'yon tatandaan. We're your parents... your family."

Marahang tumango si Karies, hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maging reaksyon. Ilang sandali pa, ngumiti si Mr. Victoria, "Umuwi ka nang maaga ah? May family dinner tayo mamaya.. paki-kamusta mo na rin kami kay Mother Theresa. Nai-text ko na rin sa kanya kanina na bibisita tayo sa orphanage sa susunod na linggo."

Bibisita sila sa orphanage? Sa pagkaalala ni Karies, ni hindi na pumupunta sa bahay-ampunan ang kanyang mga magulang mula nang ampunin siya ng mga ito.

"Bakit po?"

Their knowing smile caught her off guard.

"Magbibigay tayo ng donations at iaayos ko ang papeles para maging pormal na benefactor ang Victorian Pencils Inc. sa Genesis. A portion of our income will help fund the orphanage. Your mother and I even thought about sending the kids there to school.."

Hindi na napigilan ni Karies ang ngiting sumilay sa kanyang mga labi. Paniguradong matutuwa ang mga bata sa balitang ito. Sa wakas, mas mapapabuti na ang buhay ng mga batang naroon---mga batang katulad noon nina Macky at Kathlene. Before she knew it, Karies hugged her parents. A warm feeling in her heart.

She's home.

"S-Salamat po.."

Her name is Karies Victoria, but a part of her will always be Kathlene.

*

Ye Hua Chinese Resto
Eastwood China town
March 13, 2019
12:17 p.m.

"CHEERS!"

Inside the famous Chinese restaurant, all of them (except Detective Nico Yukishito) raised their glasses to celebrate the end of another nightmare.

The end of the Robinhood Arsonist case.

Ilang sandali pa, tuluyan nang naubos ang kanilang mga baso ng shaojiu kasabay ng maligayang pagkukwentuhang pinapangunahan ng hepe ng Heraldic Eastwood Local Police Department na si Chief Inspector Placido Ortega. Makalipas ang isang araw ng pamomorblema sa Robinhood Arsonist case, he is among the few who can now allow himself to take a break. Hopefully, another serial killer won't dare create chaos in Eastwood any time soon.

✔ 02 | Flames Of Madness [Soon To Be Published Under PSICOM]Where stories live. Discover now