CAPITULUM 36

1.2K 100 4
                                    

Eastwood General Hospital
6:50 p.m.

---
Hindi malaman ni Minnesota Gervacio kung anong kaguluhan ang nangyayari sa labas.

Kakatapos lang niya kaninang i-assist si Dr. Aguirre sa isang surgery. Nang mapadaan siya sa opisina ng doktor hindi niya sinasadyang mapansin na nakaawang ang pinto. Doon nasilip niyang kausap pa nito ang batikang heart surgeon na si Dr. Dela Vega. Minnesota smiled, feeling a bit starstrucked to be within the same vicinity as the infamous surgeon.

Usap-usapan kasing bukod sa pagiging heart surgeon, isang negosyante rin si Dr. Dela Vega. He owned a small coffee shop in the suburbs where he gave free coffee every Monday. 'Well, it might not be as grandeur as Night Owl's Café, but it's a start,' isip-isip ni Min.

Alam naman nilang lahat na wala pa ring makakatalo sa Night Owl's. It's the best coffee shop in town!

She made a mental note to bring her mother there this weekend. Para naman makagala rin ito kahit papaano.

Nang maglalakad na sana papalayo ang nurse, nagulat na lang siya nang makasalubong niya ang hepe ng HELP na si Chief Inspector Placido Ortega. Mukha itong seryoso, pero bahagya ring ngumiti nang mamukhaan si Minnesota. Nagkakilala sila noon nang masangkot si Min sa Heartless Killer case noong Febraury.

"Long time no see! Minnesota, right?"

"A-Ah, opo.." pinilit niyang ngumiti. Masama ang kutob niya rito. 'Ano naman kaya ang ginagawa ni hepe sa ospital?'

His uniform tells her that he's not here for a check-up---he's here on duty.

Ilang sandali pa, nabigla si Minnesota sa itinanong nito.

"Alam mo ba kung nasaan ang opisina ni Dr. Aguirre? Hinahanap kasi namin si Dr. Dela Vega. A hospital staff directed us here."

'Why the hell do they want to talk to Dr. Dela Vega?'

Isinantabi na muna ni Minnesota ang pagiging tsismosa at itinuro ang opisina ng doktor. Inspector Ortega thanked her and proceeded to whatever business he had. Nang tuluyan nang umalis ang inspector, she couldn't help her curiosity.

Lumiko ng pasilyo si Minnesota at mabilis na sumilip sa bintana ng ospital. It overlooked the frontyard of the building. Madilim na sa labas, pero naaaninag niya ang ilang sasakyan. Sapat na ang experience ni Min para malamang police vehicles ang mga nakaparada roon. They were carefully concealed in the darkness, as if doing it on purpose.

'Bakit naman nandito ang Eastwood police?'

Hindi naman siguro nila aarestuhin si Dr. Dela Vega, hindi ba?

"John didn't do anything illegal, if that's what you're wondering."

Napalingon si Min sa boses na sumulpot sa kanyang gilid. Dr. Aguirre stood beside her, his hands behind his back. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito habang nakatanaw sa labas ng bintana. Mukhang namukhaan din nito ang mga police vehicles sa labas.

"D-Doc," Minnesota cleared her throat. Ayaw naman niyang magmukhang pakialamera sa harap ng doktor. She smiled timidly, "I-I was just curious."

Binalingan siya ni Dr. Aguirre. Despite being a head shorter than her, the aged doctor has a way of intimidating people with his nearly black eyes. Mahinang natawa ang doktor, at noong mga sandaling 'yon, alam ni Minnesota na hindi siya nito pinaniniwalaan.

But his laughter lightened up the mood, nonetheless.

"Wala kang dapat ipag-alala, Nurse Gervacio. Inspector Ortega said this is only for safety precautions. Si Detective Yukishito mismo ang nagsulong nito."

✔ 02 | Flames Of Madness [Soon To Be Published Under PSICOM]Where stories live. Discover now