CAPITULUM 35

1.1K 105 1
                                    

"It looks like Mr. Cabrera adopted a kid, Nova. Nakalagay dito na may inampon siyang bata sa Genesis orphanage, ilang buwan lang bago masunog ang apartment niya. Ang pangalan ng batang inampon niya ay 'Macky'."

Macky.

Nova instantly doesn't like that name. At bakit ba ngayon lang niya nalamang may inampon pala ang kapitbahay nila noon? Well, Nova was just a kid, but she can remember her parents telling her she was too "observant".

Napapansin niya noon ang mga bagay na hindi naman dapat, at magsisinungaling ang dalaga kung sasabihin niyang hindi niya napansin noon ang mga galon ng gasolina sa sala ng kapitbahay nila tuwing sisilip siya rito. But of course, when she told her parents about this, they just ignored her.

'Pero wala naman akong napapansing inampon ni Mr. Cabrera..'

Macky.

Biglang bumalik sa mga alaala ni Nova ang batang lalaking nakita niya noon. Ang batang lalaking may dala-dalang galon ng gasolina at posporo. Hindi na maalis sa memorya niya ang walang-buhay nitong mga mata at ang mga lapnos na naaninag niya sa balikat nito. Those were burnt marks on his shoulder, Nova was sure of it.

"Ang ibig sabihin nito, si Macky ang nagpasimula ng sunog sa apartment ni Mr. Cabrera, 14 years ago? Kung ganoon.." huminga nang malalim si Nova at pilit pinakalma ang sarili.

This case is getting even more bizarre as she digs deeper into her past, "Kung ganoon, sinadya niya 'yon para patayin si Mr. Cabrera.. Gosh. He killed his own foster parent! And that's just crazy, since he looked just a couple of years older than me that time."

At murderer at a very young age.

Mahirap isipin na nagawang patayin ni Macky ang kanyang sariling "magulang" at sinunog niya pa ito nang buhay! Nova stared at the files again. Ngayong napagtatagpi-tagpi na niya ang kwento, mas malakas ang kutob niyang si Macky nga ang Robinhood Arsonist na sinusubukan nilang huliin ngayon.

Ipinagpatuloy nila ni Lelouch ang pag-iimbestiga sa nangyari. Akmang ililipat na sana ni Nova ang pahina sa susunod na narrative report ng insidente nang bigla siyang pigilan ni Lelouch.

"I won't turn the page if I were you."

"Bakit?"

"There's something you should read very carefully."

May itinurong mga pangungusap si Atty. Lelouch. Nova struggled reading the part with faintly printed black letters. Ano naman ang kailangan niyang basahin sa parteng ito? It just described the crime scene.

Pero nang mabasa ito ng dalaga, agad siyang napatakip ng kanyang bibig. As if on cue, another photograph was carelessly included in the next few pages.

'P-Paano 'to nangyari?'

This is impossible..

Nakasaad sa reports na nahanap nila ang bangkay ng isang batang lalaki sa pinakasulok ng silid. His whole corpse was burnt and the forensic team had a hard time. Ang hinala nila ay si Macky ang batang 'yon---the police concluded that Macky was also killed in that fire at Mr. Cabrera's apartment.

Lalong nalito si Detective Briannova Carlos.

Ibig sabihin ba nito, hindi si Macky ang batang lalaking nakita niya?

Posible nga kayang may ibang batang lalaking sumunog sa apartment ni Mr. Cabrera?

'Damn. This case is really confusing!' Sumasakit na rin yata ang ulo ni Nova sa panibagong impormasyon na 'to.

Lelouch took the files from her hand and closed it with finality. Seryoso itong nakatingin sa kanya. "Nova, perhaps you're overthinking things? Paanong naging si Macky ang Robinhood Arsonist natin kung namatay naman pala siya noon sa sunog sa apartment ni Mr. Cabrera?"

"H-Hindi ko alam.. damn it, Lelouch! Naguguluhan na ako."

"But it doesn't really matter anymore because, as you've said, Detective Yukishito and Inspector Ortega will catch RA tonight," ngumiti si Lelouch, pero bakas pa rin sa kanyang mga mata ang pag-aalala sa dalaga. "This case is already emotionally draining you. Sa ngayon, kailangan nating magtiwala kina Yukishito na mahuhuli nga nila ang Robinhood Arsonist. I hate to admit this, but as a detective, your bastard partner hasn't failed us yet."

Pinilit ni Nova na ngumiti.

'He's right.. kailangan kong magtiwala sa abilidad ni Nico. He's Eastwood's greatest detective, and if he's confident that they'll catch RA, then I just have to trust him..'

Mukhang nasayang lang ang punta ni Nova dito. Dapat pala ay sumama na lang siya sa ambush nila. Paniguradong hinihintay na nila ang muling pagsulpot ni RA ngayon.

Fortunately, getting out of that room was easier than they'd expect. Nang maayos nina Nova at Lelouch ang mga pinakialaman nilang dokumento, mabilis nilang pinatay ang ilaw at bumalik sa kanilang pagpapanggap. Nova re-applied her disguise, relocked the door and leisurely strolled down the hallways. Wala na roon sa lobby ang mga bumbero nang madaan sila rito.

Nang makalabas na sila ng gusali at makabalik sa sasakyan ng attorney, Nova took off her mask and make-up. She sighed and leaned back on the backrest of the passenger's seat.

"Gosh! It's a good thing those nosy firefighters weren't there."

But Lelouch doesn't look relieved. "Masama ang kutob ko rito, Nova. Baka rumesponde na naman sila sa isang sunog.."

Nang buksan ni Atty. Lelouch ang radyo ng kanyang sasakyan, nanlamig ang buong katawan ni Nova nang marinig ang ibinabalita.

"---mukhang nahihirapan ang mga bumbero ng Eastwood Fire Department na apulahin ang sunog na dulot ng nangyaring pagsabog sa palengke. Hanggang ngayon ay hinihintay pa rin namin ang pahayag ng hepe ng Eastwood Police na si Chief Inspector Placido Ortega tungkol sa pagkakapuslit ng isang suicide bomber sa kanilang checkpoint. Huling naiulat na tatlo ang namatay, habang dalawa naman ang nasa kritikal pa ring kondisyon at isinugod na sa Eastwood General Hospital."

'So, the bomb threat is real?'

Ang sabi ni Nico, may 90% posibilidad na peke lang ang bomb threat.

And that's the craziest thing about life. Umaasa tayo sa 90% na aayon ang lahat sa mga kagustuhan natin---pero madalas nating nakakalimutang may sampung porsyento pa rin posibilidad na hindi pumapanig sa'tin ang tadhana.

A deadly 10%.

---

✔ 02 | Flames Of Madness [Soon To Be Published Under PSICOM]Where stories live. Discover now